Chapter 2

1008 Words
Nandito ako sa isang parke at Hindi ko alam kung saan ito banda at basang basa pa ako dahil sa mumunting ulan kanina.. Umupo ako sa swing kung saan ako lamang ang nagiisa rito at nilalanghap ang simoy ng hangin para na rin makapag isip at makapagpahinga.. masyado akong napapagod ngayong araw.  Napangiti ako ng mapait nang muli kong maalala ang nangyari kanina kaya napahawak ako sa sinapupunan ko. "Ano bang kailangan kong gawin anak? Akala ko mahal ako ng daddy mo akala ko ako lang di pa ba ako sapat? Bakit kailangang mangyari lahat to? Wala bakong karapatang sumaya?" Tumulo nanaman ang mga luha ko..  Akala ko ang magulang ko ang makakapitan ko pero isa lang rin sila sa mga taong huhusga sakin. Kung sino pa ang kinakapitan ko, yun pala mismo bibitaw sakin..  Ano bang mali sakin? Hindi ba ako karapat dapat mahalin?  Saan ba ako nagkulang?  At ang kapatid ko.. Eliza.. Mapait akong napangiti ng maalala ko silang dalawa, yung halikan nila, yung ngitian nila sa isa't-isa, yung lambingan nila..  Hindi ko aakalain na may palihim pala silang relasyon, akala ko pasaway lang talaga ang kapatid ko ngunit hindi pala, siya pa pala mismo ang magtataksil sakin, siya pa mismo ang gagawa ng paraan para magkahiwalay kami.  Ano bang kasalanan ko sa kanya? Nagparaya ako para sa kanya pero bakit ginawa nya sakin to?  Ganun ba talaga kalaki ang inggit nya?  Kelan pa naging sila?  Kelan pako walang alam?  Kelan pako nagbulag bulagan?  Kelan pako nagbingi bingihan?  At Kelan pako naging tanga? "Hindi ko na alam anak, tayong dalawa na lang simula ngayon, magiging masaya tayo nang wala sila at patawad dahil hindi kita mabibigyan ng kumpletong pamilya pero bibigyan kita ng kumpletong pagmamahal mula sa akin papatunayan ko sa sa kanila na kaya ko ng wala sila na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa, mamahalin kita ng buong buo at ipaparamdam ko sayo kung gano kita kamahal ng walang halong pagkukulang" napahimas ako sa tyan ko at napangiti na nakatingala sa langit.  Kahit patuloy na umaagos ang mga luha ko, wala nakong pakialam dahil kahit ipagtabuyan nako ng lahat may bagong dumating naman sa buhay ko..  Ang mumunti kong anghel.. "Elly" pinunasan ko ang luha ko at ngumiti akong lumingon sa tumawag sakin.  Sya lang ang taong hindi ako iniwanan sa lahat ng pinagdadaanan ko.. "Kuya.." - E L I Z A R Nandito kami sa bar ng mga barkada ko pwera lang sa isa ko pang matalik na kaibigan,  alam ko namang busy ang isang yon sa lahat ng negosyo nya. "Babae pre oh" turo sa isang babae. napailing na lang ako at nilagok ang alak na nasa baso ko, wala akong panahon para sa mga babae.. Ang mahalaga sakin ngayon ang kapatid ko.. Habang nagkakasiyahan kaming magbabarkada may tumawag sakin kaya tinignan ko ang caller tsk.  Si Eliza lang pala.  "Oh?" walang ganang sagot ko sa kanya. "Grabe kuya! Pinapapunta ka nila mama at papa dito sa wilson" masayang sambit nya.  Wilson? Ano namang ginagawa nila don?  Alam na ba nila ang relasyon ni Elly at nung kaibigan ko? "Nandyan ba si ate Elly mo Eliza?" Tanong ko sa kanya.  Natahimik ang nasa kabilang linya kaya nakakapagtaka. "Eliza?" tawag ko ulit sa kanya. nakarinig ako ng ingay sa kabilang linya. "Ah kuya punta kana lang okay? Bye!" magsasalita pa sana ako ng babaan nya ako ng tawag.  Anong problema non? Tsk. Napatayo nako at sinilid ko ang cellphone ko sa bulsa.  "Bro may pupuntahan lang ako" paalam ko sa kanila.  Di ko na inintay ang sagot nila sakin at lumabas nako ng bar. Pagkarating ko sa Wilson. Binati ako ng mga tauhan nila kaya napapatango na lang ako at dumiretso ako kung nasaan sila. "Anong meron?" Tanong ko. At nakipag kamay ako kay grey. Bago ako umupo sa tabi ni Eliza.  "Nasaan si elly?" Tanong ko ulit.  napaiwas naman ng tingin ang mga magulang ko pati na si eliza.  Teka ano bang nangyayari?! Nasan ang kapatid ko?  Bakit wala sya dito?! "Sino si elly?" Napatingin ako kay Tita. ang ina ni grey. "Isa pa naming kapatid" kaswal na sagot ko.  Ramdam ko ang masamang tingin ng aking ama pero wala akong pakialam don dalawa lang kami ni Eliza ang pinapakilala nya sa iba, maliban lang sa lugar mismo namin.  Dahil kilala ang pamilya namin roon. "Ano bang nangyayari?" Tanong ko. Pero wala ni isa ang sumagot.  Napatingin ako kay grey, pero walan emosyon lang siya nakatingin kung saan. "O'sya pwede naba tayong magsimula?" Nakangiting tanong ni Tito.  Tumango naman ang mga magulang ko, at masayang masaya namang kumapit si eliza kay grey. Napakunot lang ang noo ko. Alam ba ni elly ito? "Paguusapan natin ang kasal.." panimula ni tito grayson.  "Kailan ba balak nila ikasal?" pagpapatuloy niya. Mas lalong sumalubong ang kilay ko sa tanong ni tito. Kasal?  Kasal nino? "I think mommy engagement party na muna--" di na natuloy ni eliza ang sasabihin nang hampasin ko ang lamesa.  kabastusan man pero wala akong pakialam! Gusto kong malaman ang totoo! "Kasal?! Kasal nino?!" nagtitimping tanong ko sa kanila.  Nilingon ko pa ang mga magulang ko..  Wala silang naisagot sakin!  Damn! "Kasal namin ni Grey kuya.." nakataas na kilay na sambit ni eliza sakin.  kay napatayo ako sa gulat.. A-Anong... "Ano?! Pakiulit nga ng sinabi mo Eliza!" "Kasal namin ni Grey kuya! Ano bang problema mo?!" Iritang tanong nya sakin. "Damn! Kelan pa naging kayo?! Kelan pa?!"  Di ko na mapigilan pagtaasan sila ng boses! Nagkakalokohan dito! " Isang taon na kami ni Grey kuya.." Damn! "A-Ano?" Nagugulat ko paring tanong sa kanya. Nakayuko lang siya at iniwasan ang tingin ko. "K-Kuya.." mangiyak ngiyak na tawag niya sakin. Marahan akong lumapit sa kanya. "ULITIN MO YUNG SINABI MO!" malakas na sigaw ko sa kanya. napatalon siya sa malakas na sigaw ko. "Elizar!" Sigaw naman ng magulang namin.  Hindi ko alam kung magulang pa ba ang itatawag ko sa kanila! "Kuya! Isang taon na kami ni grey! Oo may relasyon kami! Oo kami na matagal na!" Sigaw sakin ni eliza kaya mas lalo akong natigilan. Damn! Matagal na silang may relasyon?! Isang taon huh?! Isang taon?!  Paano ang kapatid ko?! Paano si elly na umaasa sa g*gong to! Na nangako mamahalin siya habang buhay! Napahinga ako ng malalim at napapailing na lang sa kanila, hanep ibang klase hindi ko akalain na gaganituhin nila ang kapatid! Nagkaisa sila para lokohin ang kapatid ko! Nagkaisa sila para mas lalong mahirapan ang kapatid ko! Wala na ba akong kwentang kuya? Kung di ko manlang maprotektahan ang kapatid ko? Ni hindi ko manlang siya nakamusta kung okay lang ba siya! Damn! Sana okay ka lang kapatid ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD