Limang araw akong namalagi sa hospital dahil yun ang utos sakin ni kuya kahit na okay naman na ako at ang baby ko kaso isa rin siyang makulit kaya pumayag nako wala rin naman akong magagawa dahil mas alam niya daw ang dapat gawin kaysa sa akin.. Ilang test pa ang ginawa ko bago ako tuluyang pauwiin, mas lalo kasi akong magkakasakit pag namalagi pako ng matagal sa hospital, ayoko talaga ng amoy ng mga gamot roon at baka maapektuhan rin ang anak ko. Si Aly ang naghatid sakin sa bahay, dahil busy si kuya marami pa siyang pasyente sa hospital, di rin kasi siya pwedeng mag leave ng matagal. Nang makarating na kami ni Aly sa apartment ko, agad niya akong inalalayan paupo sa sofa, dahil baka mahirapan daw ako kasi masyado na ngang mabigat ang tiyan ko. "Wag kana kayang magtinda best? At ma