A L Y "Doc Elizar" Napatayo kaming dalawa ni elizar nung lumabas na si doktora for almost 1 hour rin kaming naghintay dahil simula nung dinala namin sa E.R si elly ngayon lang lumabas ang doctor at sana maganda ang magiging resulta. "Doc ayos na ba ang kapatid ko? yung baby nya?" tanong ni Elizar kay doc. Napabuntong hininga na lang si doc samin at mapait na ngumiti bigla ako nakaramdam ng kaba sana mali ang iniisip ko. "Hindi nako magpapaligoy ligoy pa elizar hindi kakayanin ng kapatid mo na manganak ng normal dahil hindi maganda ang lagay ng puso niya baka mapahamak pa sila" mahinahong sambit ni doc. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Teka sila? What do you mean?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Hindi ko na mapigilan magtanong dahil nagaalala ako sa kalagayan ni elly.