Lucy Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro sa kwarto ko nang makarinig ako ng isang malakas na lagapak sa sala. Dali-dali akong bumangon sa kama't lumabas ng kwarto. Napanga-nga na lang ako nang makitang may malaking c***k ang TV screen. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang remote. Naniningkit mata kong tiningnan ang lalaking naka-upo sa couch. Dinuro ko siya't pinanlakihan ng mata. "Ano ang ginawa mo ha!? Bakit mo sinira ang TV!" sigaw ko. "May nakita akong halimaw riyan. Sobrang nakakadiri ang mukha. Akala ko lalabas na siya kaya pinatay ko. Pasalamat ka pa nga nailigtas ko ang buhay mo." Napahilamos na lang ako ng mukha. Tiningnan ko sa pangalawang pagkakataon ang TV. Wasak ang kanang parte nito'