FAYE “Lumabas ka muna at mag-uusap kami nitong asawa ni Aidan,” narinig kong utos ng Lolo ni Sir Adi sa kaniyang pinsan na si Drew. “Dito na lang ako, Lolo Sabby. Baka atakihin ka sa puso, mahirap na—aray!” Nanlaki ang mga mata ko ng hambalusin siya ng hawak na tungkod ng matandang kaharap ko. Akala ko'y uugod-ugod na siya dahil nakaupo sa wheelchair na de-remote, pero malakas pa palang humampas ang kaniyang kanang kamay. Kanina, nagtataka ako kung bakit may dala pa siyang tungkod gayong nakaupo naman siya sa wheelchair, pero mukhang alam ko na kung bakit niya ito dala. “Kapag hindi ka sumunod sa sinabi ko, ipapasampal ulit kita ng tsinelas dito kay Faye!” bulyaw ng matandang kaharap ko. “Ang laki mong bulas, pero tsinelas lang ang katapat mo. Ang liit na babae nitong asawa ni Aidan,

