FAYE Para akong tuod na nakaupo sa harap ng lolo ni Sir Adi at hindi halos makahinga dahil pakiramdam ko'y pati paghinga ko ay wala akong karapatang gawin iyon sa loob ng bahay na ito. Matanda na siya, mukhang uugod-ugod na at hindi na nga makalakad ng maayos dahil nakasakay siya sa electric wheelchair, pero matalas ang kaniyang memorya at dila. “Hindi mo kailangang pag-isipan ang sinabi ko, Faye. Hindi iyan pakiusap, kundi direktang utos galing sa akin,” sabi ng kaharap ko dahil hindi ako nagsasalita. “Kapag nalaman ito ng iyong ina, siguradong ganito rin ang gagawin niya, kaya habang maaga pa, gawin mo na ang sinasabi ko.” “Si Adi po ang kausapin ninyo, Sir. Siya ang magpapasya para sa aming dalawa–” “Hindi ka niya hawak sa leeg. Magpasya ka para sa sarili mo,” sabi ng lolo ni Sir A

