Chapter 203

2403 Words

FAYE Tinuruan naman ako ni Mama na huwag sumagot sa mga nakatatanda sa akin bilang respeto, pero may mga pagkakataon, katulad ngayon, na talagang hindi ko mapigilan ang aking bibig. Inis na inis ako kay Mr. Mondego dahil ang talas ng dila niya. Nagpipigil sana akong huwag magalit, pero sa tuwing ibubuka niya ang bibig at kung ano-ano ang sinasabi sa akin, nag-init na naman ang ulo ko. “Anak, it's late already, please go upstairs and rest,” sabi sa akin ng tatay ko. Alam kong napansin na niya ang inis na nararamdaman ko dahil kanina pa kami nagsasagutan ng kaniyang ama. Pinagbintangan ako ni Mr. Mondego na sinadya ko raw na galitin siya kanina, kaya tumaas ang kaniyang presyon. Kaya kasalanan ko raw kung bakit hindi sila nakauwi sa Maynila. “Nandito na pala ang magaling na animal na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD