Chapter 202

2110 Words

FAYE Wala akong nagawa kundi sundan ng tingin si Mr. Mondego nang ihatid siya ni Lena papunta sa guestroom. Ibig sabihin lamang nito ay hindi sila uuwi ng kaniyang anak at dito sa bahay ni Sir Adi sila matutulog. Sa tingin ko, mukhang malapit talaga sa kanila ang asawa ko. At home pa si Mr. Mondego at kahit hindi sila tunay na magkadugo, para silang isang pamilya. Nakikita ko rin na malaki ang respeto ni Sir Adi kay Mr. Mondego. Sinusunod at pinagbibigyan niya palagi ang gusto ng matandang iyon, kahit minsan ay hindi na tama, pero hinahayaan lang niya. “Honey, let's go upstairs,” sabi sa akin ng asawa ko, pero hindi ako kumibo at nakasimangot na sumandal ang likod sa sofa. “Umakyat ka sa itaas kung gusto mo,” masungit na utos ko kay Sir Adi nang muli niya akong yayain. Napabuntonghin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD