Chapter 153

2246 Words

FAYE Walang nagawa si Sir Adi nang palabasin ko siya dito sa silid. Ayaw kong makita ang mukha niya, lalo na kapag nakangisi siya dahil pakiramdam ko'y iniinis niya ako. Masama ang loob ko dahil hindi ko nagustuhan ang amoy ng siopao. Takam na takam ako kanina, pero hindi ko naman masikmurang kainin ito, kaya ang resulta, inutusan kong kainin iyon ng asawa ko dahil sinabi niyang hindi raw iyon mabaho. Kinain naman ni Sir Adi ang siopao. Ilang sandali akong naghihintay kung magsusuka rin siya, pero nainis na ako dahil normal lang ang kilos niya, kaya pinalabas ko na siya dito sa silid namin. Natulog akong mag-isa sa kama at walang katabi. Nakatulog agad ako, at umaga na nang magising. Katabi ko na ang asawa ko at nakayakap sa akin nang magmulat ako ng mga mata. Pumasok siya habang tulog

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD