FAYE Hindi ko alam kung paano pipigilan si Adirah. Kanina ko pa siya naririnig na inuutusan ang mga sales lady dito sa boutique. Anim sila at isa lang ang sister-in-law ko, pero lahat sila ay hindi magkandaugaga sa pag-asikaso sa kaniya. “I want that, but give me the most expensive one!” malakas na utos ni Adirah. Nakaupo ako dito sa sofa at pinapanood ko siya. Sa dami ng pinamili niya, kahit walang ibang mamimili dito sa boutique, ay bawing-bawi na ang may-ari ng boutique na ito. Ayaw niya ng mumurahing gamit. High-end brand na itong boutique na pinuntahan namin, pero gusto ang pinakamahal na bag, sapatos, at damit. Kaya pala napangiwi siya nang makita ang mga damit ko sa closet dahil ganito ang uri ng mga damit na gustong bilhin ni Adirah. Wala nga namang panama ang mga damit ko kum

