FAYE “Everyone, enjoy the night!” malakas na sabi ni Sir Adi sa lahat. Pagkatapos, bumaling siya kay Mang Zarex. “Ikaw na ang bahala dito.” “Copy, Boss,” nakangiting sagot naman ni Mang Zarex. Hinawakan niya ako sa braso at iginiya patayo. Pauwi na pala kami, kaya hindi na ako nagtanong nang sabihin ni Sir Adi na aalis na kami. Iniwan na namin ang kanyang mga tauhan sa loob ng malaking bulwagan. Sabay rin kaming pumasok sa elevator at lumabas sa tapat mismo ng parking area kung saan nakaparada ang mamahaling sasakyan ni Sir Adi. Ilang ulit akong napakurap dahil nakaramdam ako ng pagkahilo at panlalabo ng paningin. “Are you okay?” Umiling ako bilang sagot. “Get in,” utos ni Sir Adi sa akin. Napangiti tuloy ako. “Saan tayo pupunta?” “Home,” tipid na sagot ng aking amo. “Home?” n