FAYE Maagang umalis si Sir Adi para pumasok sa kaniyang opisina, kaya naiwan akong mag-isa dito sa bahay. Hindi muna ako pumunta kina Mama sa condo unit na tinutuluyan nila at nagdahilan na gusto ko munang magpahinga ngayong araw dahil aalis ako mamaya para puntahan sina Lorabel. Ka-text ko si Brando. Ipinaalam niya sa akin na gising na raw si Lorabel, kaya sinabi ko sa kaniya na inabot ang kaniyang cellphone sa kaibigan namin dahil kakausapin ko siya. “Hello, Faye,” mahina at paos ang tinig na bati sa akin ni Lorabel. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ko sa kaniya. “Okay naman ako, Faye,” sagot ng kaibigan ko. “Pupunta ako d'yan ngayon, at mag-uusap tayo,” sabi ko kay Lorabel. “Sige,” tanging sagot ng kaibigan ko. Para bang wala siyang ganang magsalita at kausapin ako, pero dahi

