FAYE Matapos makausap si Ate Precy, tinawagan ko ulit si Brando para ipaalam sa kaniya na puwede silang pumunta sa isla. “Naghahanda na ako, pero tulog pa si Lorabel,” sabi ni Brando sa akin. “Sige, huwag muna natin siya gisingin para makapagpahinga siya,” sabi ko sa kaniya dahil hindi ko naman puwedeng pilitin ang kaibigan namin na pumunta sa isla kung ayaw niya. “Kailangan natin siyang makumbinsi para na rin sa ikabubuti niya,” sabi ko kay Brando. “Kapag hindi siya pumayag, kikidnapin ko na lang muna si Lorabel,” sagot ng kaibigan ko, kaya natatawa rin ako. “Baliw! Huwag mong ituloy iyan at isusumpa ka ni Lorabel.” Natawa rin si Brando, “Oo, baka mas lalo lang siyang ma-stress kapag ginawa ko iyan, kaya mas mabuting manahimik na lang ako dito sa bahay at hintayin ko siyang magisin

