Chapter 16

2035 Words

FAYE Sa tingin ko, palabas ng Maynila ang sasakyang minamaneho ni Sir Adi. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil wala naman akong lakas ng loob para magtanong sa kanya. Kanina pa siya nagmamaneho. Mahigpit na nakakapit ang mga kamay ko sa upuan dahil mabilis siyang magpatakbo ng kanyang minamanehong kotse. Sinasamantala kasi ng amo ko na maluwag ang kalsada at kaunti pa lang ang sasakyan sa labas at walang traffic, kaya puwede siyang makipagkarera. Hindi ko na nga mabilang kung ilang ulit akong nagdasal para huwag kaming maaksidente dahil nakita ko siyang nag-overtake sa ilang bus na nadaanan namin kanina. Nahihilo na rin ako dahil hindi ako sanay sumakay sa kotse, kaya pumikit ako at pilit kinakalma ang aking sarili. Laking pasasalamat ko na tulog ang alaga ko at hindi siya umiiy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD