FAYE Tiniis ko ang lamig. Pinilit kong manatili sa sofa, pero hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ni Sir Adi. Bumangon siya at lumapit sa akin, at mabilis akong hinawakan sa braso. “Anong gagawin mo, Sir?” kinakabahan na tanong ko kay Sir Adi. “Sleep on the bed,” utos niya sa akin. “Ayaw ko po,” agad kong sagot kasabay ng pagpupumiglas ko. “I ordered it, Miss Ramos,” matigas na sabi ni Sir Adi. “Kung ayaw mo, bukas na bukas, maghanap ka na ng ibang trabaho.” Napalunok ako at hindi agad nakakilos sa kinatatayuan ko. Ibig sabihin, kapag hindi niya nagustuhan ang isasagot ko, sesesantihin agad niya ako. “Gagawin mo ‘yan dahil hindi ako pumayag na mahiga sa kama mo, Sir?” mabilis na tanong ko sa kanya. “It's up to you kung iyan ang tingin mo sa utos ko sa iyo,” walang emosyon na