FAYE Mabilis lumipas ang oras. Naging abala ako kay Baby Janica dahil maraming ginagawa si Aling Norma. Nakita kong naglinis siya ng buong bahay, kaya hindi ko na siya inabala dahil alam kong busy talaga siya. Pati ang bintana ay nakita kong nilinis niya. Gusto ko sana siyang tulungan, pero hindi ko naman puwedeng iwan ang alaga ko. Maging ang dalawa pang kasamahan namin ay naging abala rin. Para bang may darating na bisita kaya abala silang lahat. General cleaning ang ginawa nila at tanging ang silid ni Sir Adi ang hindi nila nilinisan dahil dito kami nanatili ni Baby Janica. Nilinisan rin kasi nila ang silid na tinutuluyan ko, kaya hindi kami puwedeng mamalagi doon ni Baby Janica dahil sensitive pa siya sa amoy ng sabong panlinis. Dito ko na rin sa silid ni Sir Adi pinaliguan ang al