FAYE Hinatid ako ni Sir Adi dito sa unibersidad. Sasama sana si Don-Don dahil gusto rin niyang makita kung saan ako nag-aaral, pero dahil papasok pa sa trabaho ang asawa ko, sinabi ko sa kaniya na susunduin na lang siya ng driver ko para makasama siya sa pagsundo mamaya, at pagkatapos ay tutuloy kami sa ospital. Pumayag naman ang kapatid ko at hindi na nagpumilit pa. Gusto rin kasi niyang mamalagi sa bahay dahil magkasundo silang dalawa ni Armida, at pinagbibigyan niya ang gusto ni Don-don. Natawa nga ako dahil nagkukulitan sila. Gusto raw ipasyal sa mall ni Armida ang kapatid ko para makapasyal siya dito sa Maynila bago umuwi sa probinsya, pero pinagalitan siya ni Manang Norma dahil gusto lang daw niyang gumala sa labas. “Ateng, mabuti naman at dumating ka na,” agad na sabi ni Brando

