FAYE Nakuyom ko ang aking kamao habang masamang nakatingin sa mga tauhan ni Sebastian Mondego. Hindi ko alam kung anong naisip ng matandang iyon para pasundan ako ng kaniyang mga tauhan, kaya naiinis ako sa kanila, pero nanatili akong tahimik dahil ayaw kong magalit ngayon. Iniwasan kong makaramdam ng galit at stress dahil makakasama ito sa mga anak ko, pero mukhang sinasagad naman ng matandang iyon ang pasensya ko. “Bilisan mo nang kumain para makapunta na tayo sa ospital,” sabi ko kay Don-Don dahil ayaw kong magtagal pa kami dito sa fast-food. “Sige po, Ate.” Inabot ko ang inumin sa harap ko at uminom. Hindi pa rin umaalis sa kabilang mesa ang mga tauhan ni Mr. Mondego kahit nilapitan at kinausap na sila ni Mang Tomas kanina. Hindi ako komportableng makita sila sa paligid ko. Pakir

