FAYE Pinag-usapan naming dalawa ni Sir Adi ang tungkol sa nagpapanggap na Mira. Sinabi ko sa kaniya na pamilyar sa akin ang tinig ng babaeng iyon, pero hindi ako sigurado kung saan ko siya nakausap. “Are you sure?” tanong ni Sir Adi, kaya tumango ako. “Oo,” mabilis kong sagot. “Sigurado ako na narinig ko na ang tinig ng babaeng iyon, Adi.” Hindi sumagot ang asawa ko. Sumandal siya sa upuan at bahagyang nangunot ang noo. Mukhang nag-iisip siya, kaya hindi muna ako nagsalita. “Is it possible na sa isla o sa probinsya mo siya nakausap, honey?” tanong ni Sir Adi sa akin. Umiling ako bilang sagot. Alam ko na hindi ko nakausap ang babaeng iyon sa isla o sa probinsya, dahil kilala ko ang lahat ng taong nakapaligid sa akin doon. “So it means na dito mo siya nakausap sa Maynila,” sabi ng asa

