FAYE Inirapan ko ang katulong na humarang sa akin. “Kapag hindi ka umalis sa harap ko, huwag mo akong sisihin kung ito na ang huling araw mo sa bahay na ito.” “I'm sorry, Ma'am.” Humakbang siya paatras para makadaan ako. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pintuan, kaya walang pagdadalawang-isip na pumasok ako sa loob ng bahay. Malinis ang buong kabahayan, pero napansin kong wala na ang nakasabit na mga malalaking larawan ni Mira sa dingding. Wala akong nakitang naiwan kahit isa sa mga larawan niya nang igala ko ang aking paningin sa buong kabahayan. Lumapit naman sa akin ang babae na unang nakita ko nang pumunta ako dito noong isang araw. Agad niya akong binati at yumuko. Ganito rin ang ginawa ng tatlo pa niyang kasamahan. Walang nagsalita kahit isa sa kanila habang gumagala ang pan

