FAYE Kahit anong paglalambing sa akin ni Sir Adi ay hindi nagbago ang pakikitungo ko sa kaniya. Nanatili akong matigas at masungit, kaya natulog siya na walang nangyari sa amin. Naaawa na rin ako sa kaniya dahil nakikita ko naman kung paano niya ako suyuin, pero tiniis ko ito dahil gusto kong matuto siya ngayon. Balang araw, alam na niya kung paano ako magalit, kaya mag-isip muna siya ng mabuti bago magsinungaling sa akin dahil pahihirapan ko talaga siya. Tulad ng dati, hinatid ako ng asawa ko ngayong umaga sa unibersidad na pinapasukan ko. Malamig pa rin ang naging pakikitungo ko sa kaniya, pero mahaba ang pasensya ni Sir Adi sa panunuyo sa akin. “Anong oras aalis si Mira sa bahay mo?” tanong ko kay Sir Adi. Ngayon araw ang sinabi niya na aalis ang babaeng iyon, kaya balak kong pumu

