FAYE Hinatid ko sa parking lot si Daddy dahil babalik na siya sa Maynila. Mauuna siyang umalis sa amin dito sa Laguna dahil ang gusto ng asawa ko ay sumakay kami ng chopper para mabilis kaming makarating at hindi maipit sa traffic sa daan. Dapat sana'y kasama namin si Daddy, pero dahil may dala siyang sasakyan, minabuti niyang magmaneho na lang pabalik sa Maynila. Ayaw niyang pahawakan ang manibela ng kotse niya sa iba, kahit sa mga kasama niyang bodyguard, dahil ang sabi ni Mommy ay paborito raw ni Daddy ang dala niyang sasakyan. “Mag-ingat po kayo at huwag masyadong mabilis magmaneho,” paalala ko sa aking ama dahil sinabi ni Mommy sa akin na dating car racer daw si Daddy at masyadong mabilis magpatakbo ng sasakyan, kaya ayaw niyang sumabay sa kaniya pabalik sa Maynila. “Don't worry,

