FAYE Tanghali nang dumating sina Mommy Avery at Daddy Alexander, kasama si Adirah. Kinamusta nila ako dahil nag-aalala raw sila sa akin. Tanging tipid na ngiti, tango, at pailan-ilan na sagot lamang ang nagawa ko dahil natatakot akong mahuli nila na nagsisinungaling ako. Naiwan sina Mommy Avery at Adirah dito sa loob ng silid dahil nagpaalam ang asawa ko na aalis raw siya kasama si Daddy Alexander. Nagkunwari na lang akong inaantok, kaya pumikit ako para lihim kong mapakinggan ang pag-uusapan ng mother at sister-in-law ko. Busy si Adirah sa pagpindot ng kaniyang cellphone, habang si Mommy Avery naman ay may binabasang libro. Tahimik silang dalawa at hindi nag-uusap, kaya imbes na nagdadrama lang ako, tuluyan na nga akong nakatulog. Nagising ako nang mag-ring ang cellphone ng mother-i

