FAYE Gaya nga ng sinabi ni Sir Adi, dumating ang grupo ng kaniyang pinsan na si Draven. Nag-usap silang dalawa dito sa sala, habang ang mga kasama naman niya ay kinuha ang mga armadong kalalakihan na pumasok dito sa penthouse. “I didn't expect this bastard to be this tough para kalabanin tayo,” sabi ni Draven. Narinig ko sa usapan nila na ang nakatatandang kapatid daw ni Patricia at Ryker Morales ang pinuno ng grupong nagtangka sa buhay namin. Naghihiganti siya sa amin dahil sa pagdukot ng organisasyon na kinabibilangan nila kay Patricia dahil sa pagpapanggap ang babaeng iyon bilang ako at si Mira. Hindi rin umano matanggap ng pinuno ng grupo na hawak ng council si Ryker Morales dahil sa ginawa niyang pagkidnap kay Mira at sa aking ama, kaya sumugod siya dito para dukutin kami at kapa

