FAYE “Faye, marami ka namang kasama dito, kaya puwede na akong umuwi,” narinig kong sabi ni Kuya Romeo. “If I hadn't known, tapos ka na kasing kumain at busog ka na, kaya uuwi ka na sa bahay mo,” mataray na sabi ni Adirah. “It's okay, Jake, mas marami, mas masaya,” sabat naman ng kapatid ko. Umupo pa siya sa upuan na katapat ng inuupuan ni Adirah. Tumaas naman ang kilay ng sister-in-law ko, pero mukhang walang pakialam dito ang kapatid ko. “May relasyon ba kayong dalawa?” walang paligoy-ligoy na tanong ni Adirah kina Kuya Romeo at Mira. Nagpalipat-lipat tuloy ang mga mata ko sa kanila. Walang sumagot, pero nakita kong nakangisi si Brando katabi si Manang Norma. “Hey, ano na? Wala bang sasagot?” malakas at magkasunod na tanong ni Adirah sa mga kasama namin dito sa mesa. “Huwag kang

