FAYE “Bitawan mo ako!” galit na utos ko kay Sir Adi, pero para siyang walang narinig. Nagpumiglas ako sa ibabaw niya at inis na sinuntok ko siya sa dibdib dahil kanina pa ako naiinis sa kaniya. “Ouch!” Natigil ang kamao ko sa ere nang makita kong nangunot ang noo ni Sir Adi. Nalukot ang kaniyang mukha at tila ba nasasaktan siya. Humigpit rin ang pagkakayakap niya sa bewang ko kasabay ng tila nasasaktan na mga ungol. “Huwag kang maarte, Adi, hindi naman malakas ang suntok ko sa iyo!” salubong ang kilay na sabi ko sa kaniya. “You hit him hard, honey,” nakangiwing sabi ni Sir Adi. “Him?” Kagat ang ibabang labi nang tumango si Sir Adi. “So damn painful,” mahina niyang ungol. Hinampas ko siya sa dibdib. Biglang gumulong si Sir Adi, kaya napunta ako sa ibabaw niya. Nanlaki ang aking m

