FAYE May bahagi ng puso ko ang masaya sa narinig ko, pero hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinabi ni Sir Adi ngayon. Punong-puno ng pagdududa ang isipan ko. Mahirap para sa akin na ibalik ang tiwala ko sa kaniya dahil ilang ulit ko na siyang binigyan ng pagkakataon na magsabi sa akin ng totoo, pero hindi niya iyon ginawa, kaya naging negatibo para sa akin ang lahat nang makita kong nakatira si Mira sa bahay mismo ng asawa ko. Kaya pala kahit minsan ay hindi niya ako dinala doon dahil naroon ang mga alaala nilang dalawa. Nauunawaan ko naman iyon kung ayaw niyang pakawalan ang bahay na iyon dahil naging bahagi ng buhay niya si Mira at may pinagsamahan silang dalawa, pero hindi ko nagustuhan na hanggang ngayon ay doon pa rin nakatira ang babaeng iyon. “Honey, alam kong galit ka dah

