Chapter 158

1914 Words

FAYE “Faye, maghunos-dili ka,” pigil sa akin ni Manang Norma, pero hindi ako nakinig sa kaniya. Lumapit sa amin si Armida dala ang gunting. Akmang gugupitin niya ang buhok ni Mira nang pigilan ko siya. “Ibigay mo sa akin iyan, Armida,” utos ko sa kaniya. “Tutulungan kitang kalbuhin ang maharot na babaeng iyan, Faye,” mabilis na sagot ni Armida. Nakisabunot rin siya, pero umiling ako. Kinuha ko sa kamay niya ang gunting, kaya hindi niya naputol ang dakot na buhok ni Mira. Baka madamay siya sa kaso kapag nagreklamo at nagdemanda si Mira dahil sa ginagawa kong pananakit sa kaniya. Siguradong magkakaroon ng problema si Armida, kaya hindi ko siya pinayagan na makialam sa amin. Kaya kong harapin si Mira dahil pumasok siya dito sa bahay namin ni Sir Adi. Nahuli ko siyang hubad at nakapaton

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD