FAYE Lihim akong naiinis dahil nahuli kong may tinatagong sikreto sa akin si Sir Adi. Kasabwat pala niya si Brando na bantayan ako, at kung hindi ako nagpapanggap na bingi ngayon, ay hindi ko malalaman na tauhan pala niya ang kaibigan kong iyon. Kaya pala hinahayaan niyang kasama ko si Brando sa loob ng campus, gayong ayaw ng aking asawa na makitang may iba akong lalaking kasama. Nagkukunwari pang bakla sa amin ni Lorabel si Brando kapag kasama namin siya sa campus, gayong lalaking-lalaki ang tinig niya kanina habang kausap ang asawa ko. Ang galing rin magpanggap ng walang-hiyang iyon. Napaniwala niya kami ni Lorabel, dahil kahit minsan, hindi kami nagkunwari na lalaki talaga si Brando dahil mas maarte at mataray pa sa amin ang lalaking iyon kapag kasama namin siya. Masyadong ginaling

