Chapter Twenty-seven "Stop! Stop! Stop!" gigil na hiyaw ko kay Mommy. Hindi ba nito nare-realize ang sitwasyon namin ngayon? Nagagawa pa nitong magbaliw-baliwan habang ako ay natuturete na ang utak kaiisip kung totoo ba ang sinabi nito tungkol sa pagkatao ko. "Mommmmm!" sigaw ko na ikinagulat nito. Hinila ko ang braso nito at pinilit itong pinaupo sa kama."Makinig ka naman. Alam mo ba 'yong katangahang ginawa mo? Sinira mo 'yong buhay ko sa ganoon lang na salita mo. Magsusumbong agad si Isaia. Sasabihin n'ya agad iyon kay Daddy kahit wala s'yang basis. Sinira mo 'yong future ko, Mhieee!" sobrang sama nang loob na ani ko rito. "Ikaw, ikaw ang aswang!" ani ni Mommy na mas lalo kong ikinapanlumo. Malabong makausap pa ito nang matino. Ano ba ang nangyari rito at bakit bigla na lang iton

