Chapter Twenty-eight Pasimpleng naka sunod ako sa sasakyan nito. Akala ko uuwi na ito pero ibang ruta ang tinutungo ng sasakyan sinusundan ko. Baka may daraanan lang. Pero agad na nawala ang magaang pakiramdam nang bumaba ito ng sasakyan at salubungin ng isang magandang babae. Sa labis pa ngang tuwa ng babae ay nilundag nito si Kris at pinupok nang halik ang pisngi, ilong at noo nito. Waring tuwang-tuwa naman ang lalaki na karga ang babae na pumasok na ito sa gate. Inilabas ko ang phone ko at sinubukan ko itong tawagan. "Isaia," damn Isaia. Wala na 'yong love? "Nasaan ka na?" tanong ko rito. "Nandito pa ako sa restaurant. May mga inaasikaso pa ako. Magpahinga ka na dahil baka gabihin na ako ng sobra." Ani ng lalaki. Napakagatlabi ako saka bumuntonghininga. "Okay, ingat ka sa p

