Kabanata 91... "UY! BAKIT WALA KA pa dito? Tanghali na, ah!" basa ko sa text ngayong umaga ni Gernie saka binak ko. Hindi ko na ginawang magreply, ikukwento ko na lang dito ng pormal pag pumasok ako kinabukasan. Ngayong araw ang napagkasunduan namin ni Rina para personal na magkita at mag- usap sa tulong ng kakambal nitong si Kedy dahilan para hindi ako pumasok ngayon sa trabaho. Nakiusap din ako kay Nuca na samahan din ako nito. Hindi ko na rin natiis ang sarili ko na isekreto ang katotohanan, ganoon din malalaman din nito ang paghihiwalay namin ng binata. Kaya lakas loob akong nagkwento dito kagabi ng sadyain ko ang bahay nito pagka uwi ko galing trabaho. "Let's go?" tanong ni Nica na nasa likuran ko na saka inakbayan ako. Nagpasya itong ito na ang magsasadya sa bahay namin kaya pum

