Kabanata 90... "TATAY AALIS na po ako," paalam ko sa aking ng makita ko itong nakaupo sa may sala ngayong umaga saka tumalikod na ako. Nagmamadaling binuksan ko ang pintuan dahil oras na. Tiyak male-late na naman ako ng sampung minuto papasok ng mall dahil late na akong nagising ngayong umaga. Napuyat kase ako kakaisip kaya hindi ko namalayang tanghali na pala. Natigilan at napatda ako sa aking harapan ng bumungad sa harapan ko si Judie, agarang nanuot sa ilong ko ang mahalimuyak nitong pabango. Pinasadahan ko ito ng tingin, ang linis-linis nitong tingnan at nakadagdag gwapo rito ang suot na polo na kulay puti na sakat sa katawan nitong naglalakihang at tinernuhan nito ng short na maong at 'di lalagpas hanggang tuhod. Mabilis na tumibok nag piso ko, parang nagising iyon sa nakita ko.

