Kabanata 29... "O, BAKIT tinanghali ka yata Layla ng dating" si Gernie. At mabilis kong binawe ang paningin nang tingnan ko ito. Hindi ko namalayang sumusunod na pala ito papasok sa stock room kung saan inilalagay namin ang mga gamit naming mga saleslady. "Ba-bakit mugto ang mga mata mo?" may pag alala sa boses ng magtanong ito sa akin. Inignora ko ang tanong nito. Ayokong pati ito ay mag alala. "Wala 'to. Tara at lumabas na tayo." malamlam na ulas ko. Hindi ko alam kung namumula na ba ang mata ko dahilan sa pagpigil ng luhang gustong umalpas doon. "Ang tanong ko ang sagutin mo. Bakit namumugto ang dalawang mata mo? May nangyare ba sa Nanay mo?" Tahimik na humakbang ako papunta sa maliit na coach. Tila batang nanginginig ang labing nakatitig siya kay Gernie. Walang salitang umaal

