Kabanata 30... KRING..... KRING.... Malakas na tunog ng kaniyang cellphone na dinig niya. Kinapa lang iyon ni Judie Mar at ng maabot saka pinatay. Minuto lang at malalakas na katok naman ang sumunod na narinig niya. Sandali at boses naman ng yaya niya sumunod na narinig niya. Inis na nilagay niya ang unan sa ulo para matakpan ang tenga. Hanggang sa mga tunog na 'yon ang dahilan para magising tuluyan ang natutulog niyang diwa. Tsk! Humugot muna siya ng paghinga bago tumihaya sa pagkakahiga. "Judie, anak." hiyaw ulit nito. Gising na ang diwa niya pero ang dalawang mata n'ya pa rin ay nakasarado. Inignora niya ang pagtawag ng matanda, kunware'y hindi niya naririnig. "Judie! Lumabas ka na d'yan sa kuwarto mo at naandito ang Daddy mo." Sa narinig kusang bumukas ang dalawang talu

