Kabanata 2..
MAAGANG NAGPAALAM siya sa kaniyang ama, na ito muna ang magbantay sa kaniyang ina at pagkauwe na lamang niya galing trabaho siya naman ang papalit rito. Umaga na rin at kailangan na niyang gumayak para pumasok sa trabaho.
Lutang ang kaisipan habang nakatuon ang kaniyang mata sa lupang hinahakbangan. Kahit baligtarin ang mundo; saan siya kukuha ng siyam na libo kada linggo at wala pa doon ang ibang gamot at pagkain nila?
Wala sa loob na iniignora niya ang isang beses na pag ring ng kaniyang tawagan. Kahit ba paulit- ulit, tila ba hindi niya nadidinig iyon dahilan sa pag ignora. Tanging nasa isipan niya ang malaking katanungan.
Saan siya kukuha ng malaking pera? Paulit-pulit na tanong sa kaniyang kaisipan.
Hindi niya namalayang matitisod na pala siya sa isang malaking bato, ang kaniyang natutulog na diwa ay biglang nagising ng mapatukod ang dalawang baraso niya sa lupa.
"Letche!!" inis na nanulay sa kaniyang labi. Kasalanan din niya dahilan natutulog ang isipan niya at hindi niya tinitingnan ang dinaraanan.
Mamaya't narinig na naman niya ang pag ring ng cp niya. Pero wala sa loob na I
inabot niya iyon sa kaniyang bulsa at nakaramdam siya paghapdi ng palad. Nang makuha niya ang sariling cellphone mabilis niyang tinapunan ng tingin ang sariling palad na may halong dumi at may namuong dugo doon.
Mas okay na wag na lang niyang intindihin iyon, malayo iyon sa bituka. Inumpsahan niyang pindutin ang kaniyang cellphone laging gulat niya ng makitang ilang ulit na palang nagri ring iyon at hindi man lang niya naririnig.
Naririnig o hindi lang talaga niya pinapansin.
Nang makita kung kanino ang numero, nanlaki nag dalawang mata niya. Ang kaniyang boss sa botika. Ngunit ng mag backcall siya hindi na ito sumasagot. Nakita niyang may ilan message doon. Mabilis niya itong binuksan. Isa - isa niyang binasa. At ng mabasa iyon unti-unting nanglumo siya kaya ng makakita siya ng upuan na gawa sa simento naupo kagad siya. Para kase niyang babagsak.
Bakit ngayon pa?
Nagkaroon ng sunog sa isang gusali na katabi ng pinapasukan niyang trabaho. At isa sa nasunog na nadamay ang botikang pinapasukan niya.
Nangingilid ang luhang napasalo siya ng ulo. Lalong nanakit ang ulo niya sa nalaman. Saan siya hahanap ngayon ng pagtustos sa pang ilang buwan na pang gamutan ng kaniyang ina? Balak pa naman sanang niyang subukang bumali ngayong araw. Kahit may utang na siya sa lending na doon sana nakagayak na ibabayad sa unang sahod niya.
Utang pa niya nuon iyon, ng maitakbo ang kaniyang Tatay. Halos hati -hati na ang sinasahod niya. Ngayon paano na lang mga pinagkakautangan niya? Hindi madali ang makahanap ng trabaho sa ngayon, lalo na at hindi naman siya nakatungtong ng kokehiyo.
Gustuhin 'man niyang mag apply sa isang mall ngunit ayaw naman niya. Sa pagkakaalam kase niya, laging naka make up doon at todo ayus idagdag pa ang suot na tila ba kinulang sa tela.Yun ang kauna unahan niyang inayaw sa lahat. Tanging pulbos lang okay na siya at idagdag pa'ng dapat nakatuntong ng kolehiyo, doon pa lang bagsak na s'ya!
Tuluyang bumagsak ang luha niya. Sabay sabay na talaga ang probelmang kinakaharap niya ngayon. Paano niya magagawang ipaalam ito sa kaniyang ama?
Ano pa't nagpaalam pa naman siyang papasok ng trabaho. Magugulat ito kung babalik siya doon at sasabihing wala na siyang trabaho at baka bandang huli ito pa ang magkasakit.
Kaya pala siya natisod! May kamalasan na naman pala sa buhay niya! Ang hirap ng mahirap! Lifetime na mahirap!
Matamlay na tumayo siya kinauupuan. Ngunit sa pagtayo niya ngayon lang niya napansin na ilang hakbang na lang pala ay simbahan na.
Nagpasya siyang pasukin muna iyon. Doon magpalipas ng oras at maka pag isip kung ano ba ang gagawing hakbang. Wala na kaseng pumapasok sa utak niya. Hindi siya puwedeng sumuko! Kawawa ang kaniyang mga kapatid kung 'di siya gagawa ng paraan.
Paluhod siyang naglakad ng makapasok siya sa loob ng simbahan. Humihingi ng malaking kapatawaran sa ano 'man naging kasalanan, daop ang dalawang palad at inilagay iyon sa kaniyang harapan na kasing taas ng kaniyang mukha. Madiin na nakapikit at nanalangin. Huminto din siya ng hindi na niya mapigilan ang sarili na mapahagulgol. Naninikip na kase iyon sa malaking problema.
Saan siya kakapit ngayon? Halos lahat na ng kaibigan niya ay may utang na siya.
Tumayo siya sa kinaluluhudan at umupo sa malapit na upuan matapos pinunasan niya ang luhang nagkalat sa pisngi niya. Nakatingin siya sa harapan ng biglang mag ring ang cellphone ulit niya.
Agaram niyang tiningnan iyon, na akala niya ang kaniyang boss ngunit nagkakamali siya.
Ginawa niyang lumabas ng simbahan para sagutin iyon.
"Hello.." matamlay niyang sagot sa kabilang linya.
"Girl. Okay ka lang?" si Nica nasa boses nito ang pag alala.
Minuto bago niya iyon sinagot. Pero ano nga ba ang isasagot niya?
"Oo." maikling sagot niya. Hindi niya alam kung babanggitin ba niya rito ang malaking problema. Nahihiya na rin kase siya rito, malaki laki na rin kase ang pagkakautang niya kay Nica at ayaw na niyang dagdagan pa iyon kahit ba minsan na nakatulong na siya dito.
Hindi kase siya yung taong mapag sumbat. Ngayon nasa magandang pamumuhay na ito, tahimik at masaya kasama ang asawa at anak nito.
"Huy!! Ayus ka lang ba talaga?" Pangungulit nito.
"Oo nga!" sagot niya, "Bakit napatawag ka?"
"Tumawag sa akin si Day. May mga nasunog daw na botika d'yan malapit sa pwesto n'yo."
Mabigat na napabuntong hininga siya.
"Huwag mong sabihin nadamay yung botika na pinapasukan mo?" sa boses nito may pagkagulat.
"Oo." mahinang sagot niya.
"O, kamusta ka? Naandoon ka ba nuong nangyare iyon? Paano ba at saan nagsimula? Mabuti mabilis kayong nakalayo? Hays! Mag iingat ka Layla." sunod- sunod na tanong nito. "Kaya pala ang bigat ng boses mo." dagdag pa nito.
"O, o-ke-ay lang ako." napiyok niyang sagot. Hindi niya ginusto na marinig nito ang pagpiyok ng boses niya. Hindi lang talaga niya mapigilan ang pag iyak. Ramdam niyang sasabog na kase siya pag naaalala ang kinalalagakan ng kaniyang ina. Walang anak na gustong makita ang sariling ina sa ganoong kalagayan.
"Girl! Magsabi ka nga sa 'kin! May problema ba? Nag away ba kayo ni Roel, ano?"
Si Roel ay anim na buwan niyang naging jowa (Boyfriend). Kailan lang sila nito nagkahiwalay. Ang malaking dahilan, hindi na siguro nito matanggap na utangan lang niya ito kaya niya ito sinagot. Sa anim na buwang jowa niya ito, siguro ang nauutang na niya rito ay nasa kinsemil na. Hindi niya kasalanan iyon. Ito ang nagkukusang magpautang sa kaniya, sympre kailangan niya ng pera kaya tutukain na niya. Ang ending nagkahiwalay rin sila nito. Pero yung totoo wala naman siyang nararamdaman para dito. Kasalanan 'man, pero sa pera lang talaga nagtagal ang relasyon nila. Pero ni minsan hindi siya nagpahalik sa lalakeng iyon dahil hindi lang ito mayaman sa pera kun'di mayaman din ito sa laway na laging nagingilid sa labi nito. Paano pa kaya kung pumayag siya sa paghalik nito sa kaniya? Baka umabot na ng bente mil ang maipautang nito at baka na virus na siya sa laway nito. Este! Nahawa na siya.
Hindi naman niya tatakbuhan iyon. Babayaran niya iyon oras na gumanda ang buhay niya. Ngunit kailan pa? Heto nga sabay-sabay ang problema n'ya sa buhay.
To be continued..