Kabanata 3...
"ANONG katarantaduhan 'yan Judie Mar?!" umalingawngaw na boses sa loob ng malaking sala. His father..
Ito ang ibinungad ng kaniyang ama nang makita s'yang papasok sa loob ng malaking sala. Kararating lamang niya 'non galing sa pakikipagkita sa ibat ibang tao para pag usapan ang pinaplanong idadagdag sa CityVall Mall.
Hindi na siya nagtataka kung bakit ganito ang boses at bungad nito sa kaniya. Naka amoy siguro ito sa unti - unting pagbagsak ng kaniyang hinahawakan ipinama.
It he inherited from his grandfather Peter at dahil s'ya ang kauna - unahang apong lalaki sa pamilya ng Valdez, kaya sa kaniya iyon ipinama ng kaniyang yumaong lolo. Wala 'man siyang kaalam -alam sa pagpapatakbo 'nun ngunit wala naman siyang magagawa kundi tanggapin iyon hanggang sa nakasanayan na niya, pero kamailan lang ipinaalam sa kaniya ni Mencho; Ang kaniyang pinagkakatiwalaan sa CityVall na, bunagsak ang price ng sales ng mall. Kailangan din niyang magdagdag ng mga tauhan para kahit paano mailako ang mga ito o mas maraming tao ang mag entertain sa mga taong papasok sa loob ng mall.
Naka angat ang dulo ng labi nang lapitan niya itu, sisubukan niyang pakalmahin ang sariling ama, "Relax Dad... Mareresulbahan din ang lahat." Umangat ang kanang kamay niya para hawakan ito sa balikat pero mabilis nitong iwinaksi ang kamay niya.
"Ganoon lang saiyo Judie Mar?! Iho, unti unting bumababa ang sales ng mga produkto… Anong gagawin mo doon? Bubulukin?" madiin na pagpapaintindi nito sa kaniya. Tila ba isa siyanv bata na pinagsasabihan at hindi alam ang gagawin, "Umamin ka Judie Mar... Bank cropped na ba ang iniwan ng lolo mo?" matigas na tanong nito, hindi maikubli sa mukha ang galit.
Sinadyang iilihim niya ito sa ama dahilan ayaw niyang malaman nito ang nangyayare sa mall tiyak naman siyang hindi siya makagagawa ng magandang disisyon. Natitiyak niyang uusisain nito ang lahat ng galaw niya.
At dahil may iba't ibang supermarket ng naglalabasan at nagtatayuan medyo natatabunan na ang CityVal mall, medyo kulang rin sa mga tauhan like cashier at mga saleslady. Tila ba napag iiwanan ang mga items naka paloob doon kung kaya't kailangan dagdagan at mag search siya sa iba't ibang business management kung ano ba ang patok na ibenta. Milenial na ngayon at ang iba puro gadget na ang kahiligan.
"Make sure it's fixed Judie Mar and if you don't want, Jaylex I'll have it done." nagdikit ang dalawang panga niya kasabay ng paniningkit ng dalawang mata sa narinig.
Hindi siya suwail na anak ngunit sa t'wing naririnig ang pangalan na 'yon lumalabas ang malaking sungay niya.
Jailex is her child with another woman, cause for her mother's feelings until she gets sick. Ito ang dahilan kung bakit nawalan siya ng ina!
Nagliliyab matang tiningala niya ito, "Do what makes you happy!" walang kagalang galang na ulas niya sa ama, "Pero bago mo muna gawin 'yun tingnan mo muna kung kanino nakalagay na pangalan ang nakalagda doon." mahina 'man ang pagkakabigkas niya sa huli, ngunit makahulugan.
Kapwa mata nila ang naglaban. Hindi siya sanay sagutin ito ngunit hindi niya hahayaang ipamukha sa kaniya na mas mahalaga ang bagong pamilya nito kesa sa kanila. Sa kaniya! Ngayon na lamang sila nagkita at nagkausap sa ganoong sitwasyon pa!
Dalawa silang magkapatid ngunit hindi 'man lang pinalad na lumaki sila na magkasama. Simula kaseng mamatay ang kaniyang ina, inampon na ito ng kaniyang Untie Clareta at dinala ng London. Kapatid ng kaniyang ina ito na naninirahan sa london, huling pagkikita nila ni Jaimie ay noong ikasal ito sa long time boyfriend nito.
Dalawa lamang sila ng matandang nagpalaki sa kaniya. Si Yaya Lily, ang matandang laging naandyan na dapat ang Daddy niya ang nagpupuon. Kasama niya ang maganda sa bahay na minana naman ng kaniyang ina sa magulang nito. Samantalang ang kaniyang ama, pagkatapos mailibing ang kaniyang ina umuwe na ito sa pangalawa nitong asawa at hindi 'man lang nito hinayaan maka isang taon nag kaniyang ina ng malaman niyang nagsasama na ang dalawa at nagkaanak ng tatlo.
Pangungulila sa pamilya ang naransan niya. Ito ang dahilan kung bakit niya nakilala si Jam at napasok siya sa grupo ng Poty.
Sa boses nito tila ba hindi ito papatalo ng sumagot ang kaniyang ama, "Anak lang kita Judie Mar! Dala mo ang apelyedo ko! Huwag kang umasta na pag aari mo ang lahat! Bigyan mo 'ko ng respeto!" bulyaw nito sa kaniya.
Simpleng napangisi siya, humakbang at naglakad lakad sa loob ng malaling sala habang nagsasalita.
"Bakit, ubos naba ang pera mo kaya pati ang pagpapatakbo ng CityVal mall ay pinakikielaman mo?"
"Hindi kita pinalaki para bastusin ako!" dagdap na hiyaw nito.
Mabilis siyang humarap at sinagot ang sinabi nito.
"Yes Dad! Hindi mo 'ko pinalaki para bastusin ka! Pero—." gigil na napahinto siya sa gustong iulas ng labi.
Huminga siya ng malalim bago magsalita ulit, "Kung naging mabuting asawa ka, 'di sana buhay pa si Mama! 'Di sana sama-sama tayo sa isang bubong! Hindi ko naranasan na nag iisa! Na mas pinili mong pakisamahan ang babae mo kesa sa amin dalawa ng kapatid ko!" pagkasabi 'nun, tinalikuran niya ang ama na namumula sa galit.
Siguro dito niya minana ang pagkababaero ngunit marunong siyang gumamit ng pananggala para hindi kumalat ang lahi niya!
Gaya ng dati, pag hindi sila nagkakaunawaan ng kaniyang ama, dumederetsyo siya sa puntod ng kaniyang ina na halos linggo linggo naman niyang binibisita. Trese anyos pa lang siya ng mamatay iti. Deysi otso taon na rin siyang nagungulila rito.
Mataimtim niyang pinagkatitigan nag puntod. Hindi talaga sasagi sa dibdib niya nag manikip sa t'wing nakikita nag pangalan ng kaniyang ina.
Minuto lang at nilisan din niya ang lugar na iyon. Napansin kase niyang naninilim ang kalangitan at itsurang uulan. Mabilis niyang tinungo kung saan niya ipinarada ang sariling sasakyan at nagpasyang doon na lang siya didiretsyo sa hide out ng Poty para magpapalipas ng gabi.
Inabutan niya doon si Joven, nakaupo ito sa mahabang sopa habang hawak ang telepono nito na may kausap sa kabilang linya. Dinaanan na lang niya ito kesa istorbohin ang kaibigan, ngunit napansin naman siya nito noong dumaan siya sa harapan nito kaya hatid tingin ang ginawa nito sa kaniya ng mag diretsyo siya sa wine bar.
Umupo siya sa harapan ng mga iba't ibang hard wine na naka stock. Hindi sila pwede maubusan 'non dahil halos yata sila ay hilig ang uminom. Sa pagkakaalam niya 'yun ang pampakalma ng utak sa t'wing may problema.
Nilalaro sa daliri ang kopetang may laman, iniikot niya iyon ng dahan dahan. Katatapos lang kase niyang lagukin ng straight ang unang isinalin niya.
"Akala ko ba busy ka?" boses na nagpalingon sa kaniya. Si Joven.
Ilan araw na kase siyang tinatawagan ni Joven para yayain siyang mag labas ng init sa katawan ngunit ilang tanggi ang ginawa niya sa kaibigan. Kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang CityVal mall ngayon, ngunit tila ba may bumulong na poncho pilato sa kaniyang ama na kaya naman niyang resolbahin.
"Magpalamig muna ako..." malamlam na sagot niya. Nagawa na nitong umupo sa gilid niya at nagsalin na rin ito ng isang kopita para sa sarili nito.
"Magpalamig? Pero bakit ang bigat yata ng mga yapak mo? Ulol! Kilala kita!" asik na sagot nito.
Napaangat ang dulo ng labi niya.
"Huy! Babae ba 'yan? Huwag mong sabihin umiibig nasi Judie Mar Valdez?" Matapos sumimsim ito sa sariling baso ngunit ang paningin ay naka akupado sa kaniya at naghihintay ng sagot niya.
"Go to hell Joven! Anong pinagsasabi mo?!" naiiling na sagot niya.
"Akala ko ba busy ka? Tapos ngayon naandito ka at parang broken na broken ang itsura! Hindi ka nilalabasan ano? Ayaw mo kaseng pumayag sa paanyaya ko!" nangingising pang aasar nito.
"Paduguin ko kaya nguso mo? Nang malaman natin pinagsasabi mong 'broken! Ulol! Hindi babae ang problema ko!" sa daloy ng usapan nila sanay na sila sa ganoong usapan at tapunan na salita.
Tumayo siya galing sa pagkakaupo habang hawak ang kopita, nagdiretsyo siya sa may bintana para lumanghap ng sariwang hangin na nagmumula doon. Para mahimasamsan na rin ang utak niya. Naandoon pa rin kasi ang galit sa dibdib niya.
Segundo lang at nagsalita na rin siya.
"Ang CityVal mall, humihina kase ang sales. Ewan ba... Ginagawa ko naman ang lahat. Lintik kaseng mga mall na 'yan, nagliparan!" matapos banggitin iyon sumimsim siya sa hawak na kopita.
"Financial ba ang kailangan? Bakit hindi ka magtanong kay Jam o Jake? Puwede rin kay Juriel." sagot nito sa kaniyang likuran.
Mabilis siyang umiling, "Nope... "saka mabigat siyang nagbuga ng hininga, "Maraming stock ang CityVal mall na mga items, million ang mga nakapalabas na presyo ngunit napag iiwanan na kase. Alam mo naman milenial na ngayon, iba na ang gusto ng mga kabataan. Bawat pagpalit ng taon iba't iba ang uso na lumalabas."
"Kaya mo 'yan!"
Naiiling na napaharap siya kay Joven, "Ang masakit, nalaman ni Daddy ang nangyayare sa mall, hindi ko nga alam kung bakit." Sa daloy ng usapan bumalik sa ala - ala niya ang inulas nito na s'yang nagpabigat ng kalooban niya.
"Then…?"
"Ayun! Pinagmalaki na naman niya ang pinakamagaling niyang anak sa labas!" pagkasabi nun humakbang siya diretsyo sa wine bar at naupo, muli nagsalin ulit sa hawak na kopita. Nag iinit talaga ang punong tenga niya sa twing nababanggit ang pangalan ng kapatid.
Kahit hindi niya lingunin si Joven, naiiling ito sa naikukwento niya.
"Kung hindi naman problema ang pinansyal... Go! Mag hire ka ng mga sales lady." naramdaman na lang niyang tinapik siya nito sa balikat hindi niya namalayang nakalapit na pala ito, "Bro, naandito lang kami baka may maitulong ang grupo."
Tila ba hindi niya narinig ang inulas ni Joven ng magsalita siya ng pabulyaw, "Damn it! Joven! Lagi na lang ba ipagmumukha niya sa 'kin na mas mahalaga ang mga anak niya sa labas? Hinayaan na niya kami ni Jaime! Tangnang buhay na 'yan!" sa gigil hindi niya napigilan ang sarili. Naitapon niya sa harapan ang kopitang walang laman dahilan para gumawa ng ingay sa pagitan nilang dalawa.
"Relax!" kunot nuong ulas nito. "Hindi makakatulong yung galit mo. Imbes na magtambay ka dito, mas okay sigurong umpisahan mo ng ayusin 'yab bro. Huwag mong pagdiskitaan ang kopita, mamaya maubos lahat ng mga 'yan. Tsk! Alam mong kabibili lang ng iba d'yan kamuntikanan ng maubos ni Juriel."
"Ano pa nga ba?" pagkasabi nun humakbang siya patalikod at ng matunton ang pintuan mabilis niyang binuksan iyon at pabalibag na isinarado.
To be continued..