Kabanata 4.

2355 Words
Kabanata 4... "AYAN ANG dyaryo!" Pabagsak na inilapag ni Nica sa harapan niya ang ilan kumpol na dyaryo na dala-dala nito. Matapos kase siyang tawagan nito nagkukumahog na ito para puntahan siya. "Aanhin ko 'yan?" kakamot - kamot sa ulong at nagtatakang tanong niya. Matapos umupo siya sa pang isahang upuan na kaharap nito. Nakatingin pa rin siya sa inilapag nitong mga dyaryo. "Basahin mo para malaman mo, uy!" saka naupo sa kaharap niya. "E, ano nga 'yan! Wanted na ba ako?" "Oo!" sabay irap nito sa kaniya. "Maghanap ka ng mapapasukang trabaho. Marami d'yan, bsahin mo... Mahirap ang tambay lalo na at sobrang hirap ng buhay ngayon. Lalo na ikaw, mas kailangan mo ngayon ang trabaho kaya dinala ko 'yan." Sa mga oras na 'yon nasa restoran silang dalawa, 'yun kase ang sinabi niyang lugar na pagkikitaan nila ng kaibigan. Mainit sa loob ng kuwarto ng hospital, nahihiya siyang papasukin ito doon kahit ba galing din ito sa hirap. Iba na kase ang pamumuhay nito ngayon saka bukod sa mainit baka madulas pa ito sa kaniyang ama na wala siyang trabaho. Hindi niya kase pinaalam rito na wala na siyang trabaho ayaw niyang dagdagan pa ang iniisip nito. "Kumain ka na ba?" mababang boses na tanong nito sa kaniya habang nakatitig sa dalawang mata niya. Kanina umaga ay ramdam na ramdam niya ang pagkalam ng sikmura ng paglabas niya sa hospital ngunit ng malamang nasunog ang botika na pinapasukan niya pati ang pagkalam ng tiyan ay biglang naglaho at napalitan ng pamimigat ng katawan at nararamdaman. Simpleng umiling siya sa kaibigan. Hindi ito nagsalita sa iniiling na ulo, tanging ginawa nito ay tumitig ito sa mukha niya. Nababasa niya rito ang pagka awa sa dalawang mata nito habang magkadaop mata sila. Matapos nagbaba ito ng paningin at inabot ang papel na naglalaman ng mga putaheng pagkain, segundo lang at ginawa nitong tumaas ng kamay at tumawag ng isang tao. Mabilis naman lumapit ang tinawag nito sa kanila. "Hello. Paorder ako ng 2 combo please..." sabay turo nito sa nagustuhan, "Please, pakidagdag mo pa itong tatlong combo, pakibalot na rin. Salamat." Matapos makipag usap nito sa kaharap sa kaniya naman ito bumaling ng tingin. "Kakain ka... Kahit sabihin mong 'di ka nagugutom nakikita ko sa mukha mo Layla. Baka mamaya ikaw naman ang magkasakit, mas lalong mahihirapan ang mga magulang mo." Agarang nangilid ang luha niya, "Kamusta ang nanay mo?" Hindi niya alam paano uumpisahan ang tanong nito. Samu't saring problema ang dumating sa kaniya ngayong linggo, hanggang sa tuluyang bumagsak ang luhang kaniyang pinipigilan. Hindi mapigilan mapahagulgol siya sa harap nito kaya yumuko siya sa table, hindi alintana kung naririnig ba ng ibang tao ang pag iyak niya. At kung hindi niya iaalpas ang sakit ng dibdib baka hindi na siya abutin ng kinabukasan. "Tahan na..." wika nito habang hinahagud ang kaniyang likod sa ga'non gumaan ang pakiramdam niya. "Paano na ang pamilya ko Nica? Ako lang ang inaasahan nila... Bakit paborito ako ng problema?" pumipiyok na sagot niya, "May utang ako sa bumbay at hindi pa iyon bayad. Tapos heto at panibagong bayarin na naman. Kawawa naman ang mga kapatid ko. Parang hindi ko na kaya... Parang salo ko na ang daigdig, Nica." "Tahan na... Naandito lang ako. Ano ka ba?!" Umiiling siya... Ang bigat -bigat ng pakiramdam nya. "Basahin mo 'yang dyaryo na dinala ko. Nakita ko 'yan sa desk ni Jake kanina, eksakto naman palabas ako kaya kinuha ko na para itapon, mukha naman kaseng tapos na niyang basahin tapos nakita ko sa harapan ng dyaryo may hiring sa mga mall." dinig niyang paliwanag nito. Iniangat niya ang sariling ulo galing sa pagkakadukmo, pagtapos umayos siya ng upo. "Okay na sa 'kin ang mag apply kahit sa mga groceries or sa mga palengke lang Nica." saka pinunasan ang luha gamit nag dalawang palad, "Alam mo naman high school lang ang natapos ko. Baka mamaya mag aksaya lang ako ng oras baka 'di rin ako tanggapin." sagot niya habang patulos pa rin pinupunasan ng dalawang palad ang nagkalat na luha. "Kaya nga basahin mo... Paanong 'di tatanggapin?" iritang sagot nito sa kaniya. "Sa mga botika na nga lang ako mag a apply. Alam mo naman doon lang ang alam ko, saka gamay ko na ang mga gamot doon..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahilan alam na nito ang ibig sabihin niya. "Sa panahon ngayon lakasan na ng loob! Aba! Saka isipin mo, malaki ang sahod oh!" Iniangat pa nito ang kamay at idinuro nag dyaryo pero hindi naman niya tiningnan, "Kesa sa groceries at botika na gusto mo! Hoy! Layla... Isipin mo marami kang utang! Bakit 'di mo subukan sa mga nakalagay d'yan?" pagpupumilit nito, tama nga naman ito. Mas malaki ang sahod pag mall kesa sa mga gusto niyang aplayan. Ang sa kaniya lang baka kase hindi siya makapasa. Pero una sa lahat ang kinakaayawan niya, ang naka palda at naka bestida. Pantalon lang kase ang uniform nila sa botika, halos magtatatlong taon na siyang nagtatrabaho sa mga ganun pero tatlong botika naman iyon. Maya-maya nagbaba siya ng paningin at wala sa loob na dinampot ang nasa harapan na dyaryo. [Ang mababanggit na lugar ay kathang isip lamang at walang katotohanan.] Lumbag Mall Taguig City is hiring now!! Cashier, Saleslady. Please contact this number if you are interested. +63924374588 Mamola Mall Pasig City is hiring now!! Cashier and Saleslady. Please contract this number if you are interested. +6390000764 "Intindihin mo, marami kang utang na dapat bayaran Layla tapos nasa hospital pa ang Nanay mo... Bakit mas pipiliin mo pa ang maliit na sahod kung p'wede naman ang beauty mo na maging sales lady sa isang mall, aber?" Usal ulit nito ngunit akupado ng dalawa niyang mata ang pagbabasa sa hawak na dyaryo. CityVal Mall is hiring now. Please contact this number if you are interested. +63977770981 or +63977770982 From: CEO Mr. Mar Valdez Asnt: Mr. Mencho Alipayo "Ano?" sabay kalabit nito sa kaniyang kamay kaya napabaling siya ng tingin sa kaibigan. "Nica naman, ih! Alam mo naman allergy ako sa mga make up! Saka alam mong hindi ko 'yun hilig, 'di ba? Sa iba na lang ako mag a apply. Marami naman hiring na mga botika, maghahanap ako d'yan sa tabi - tabi." "Landi! Tinuturuan ka ng maganda ayaw mo! Sa panahon ngayon lakasan na ng loob! Ilan beses ko ba sasabihin sa'yo?! Nangangailangan ka ng malaking pera! Ewan ko ba sa'yo Layla, kung nasaan ba ang utak mo! Tinuturuan ka ng maganda ayaw mo... Bakit 'di mo muna subukan bago ka umayaw?" Hindi na lang siya kumibo ayaw na niyang ipilit ang gusto rito pero hindi talaga siya mag apply sa nais nito. Bago sila naghiwalay ni Nica, pinabaunan siya nito ng mga pagkain para sa kaniyang ama at ina. Pinamili din siya nito ng iba't ibang pagkain na para naman sa kaniyang mga kapatid. Tanging salamat lang talaga ang masasabi niya sa kaibigan at matutumbasan din niya iyon pag naka ahon siya. Halos oras na ng pananghalian nang magbalik siya ng hospital. Mabigat pa rin sa dibdib niya nangyayare ng kumatok siya sa harapan ng pinto, pinagbuksan naman siya kaagad ng kaniyang ama. Ngayon... Bawat pagbuka ng bibig niya ay isang pagsisinungaling ang lalabas doon. Hindi niya talaga hahayaan malaman ng kaniyang ama. "Salamat kung ganoon anak. May mga pagkain na ang kapatid mo. Salamat Layla sa lahat ng tulong mo anak ." sagot nito sa isinagot niyang tanong nito. Kinamusta kase siya nito kung bakit sobrang aga ng pag uwe niya. Sinabi na lamang niyang maaga nagsarado ang botika. "Kamusta po si Nanay, 'Tay?" sya naman ngayon ang nagtanong. Matapos niyang tanungin iyon hinaplos niya ang mukha ng inang natutulog pa rin. Sa harapan kase siya nito nagdiretsyo at naupo sa tabi nito. "Hindi pa rin nagigising ang Nanay mo mula kanina." mabigat na usal nito at ramdam niya iyon. Ang pamimigat ng dibdib ng kaniyang ama ay lalong nadagdagan ang pamimigat ng dibdib niya. Pag hindi nagising mamaya ang kaniyang ina malaking pera na talaga ang kakailanganin nilang pambayad sa hospital. Isa sa mga iniisip niya kung saan ba niya hahagilapin. Mabigat ang paa'ng tumayo sa pagkakaupo at tinalikuran niya ang kaniyang ina. Hinarap niya ang kaniyang amang nakaupo sa 'di kalayuan. Inilapag muna niya sa table na maliit ang dalang paper bag, na katabi ng kaniyang ama. Matapos binuksan niya iyon at hinugot doon ang pagkain at saka inabot sa kaniyang Tatay. At ang iba naman ay sa ibaba na lang, 'yon ay para sa mga kapatid naman niya. "Kumain na ho kayo 'Tay." alok niya rito. Bago nito kuhanin ang inaabot niya ay nagtatakang napatingin ito sa ibinaba niyang isang malaking supot. "Sumahod ka ba anak?" ulas nito habang ang paningin ay nasa supot. "Ah, eh... Oho." Labas sa bunganga niya. Napaniwala naman niya ito. Tumango ito at saka tinanggap na rin ang inaabot niyang pagkain. "Tay, aalis po ako sandali." paalam niya habang nasa kalagitnaan ito ng pagkain, "Tawagan po ninyo ako pag nagising nasi Nanay." Bigla kase niyang naisip ang kaibigan, si Gernie. Si Gernie ay kaniyang kababata at matalik din niyang kaibigan. At dahil kapwa din niyang dalaga ito minsan utangan din niya ito. Oh, 'di ba lahat ng kaibigan utangan niya. Hindi dahil sa kaibigan niya ito, kundi dahil dalaga ito at wala itong sinusuportahan na magulang, kaya malakas ang loob siyang nangungutang rito. Alam naman niyang naiintindihan siya nito. Sabi nga nila, ang tunay na kaibigan ay lagi mong karamay sa hirap 'man at ginhawa. Pero siya siguro lage ang nasa hirap kaya pasalamat siya may mga kaibigan siyang laging karamay. Mabilis niya itong tinawagan ng makalabas siya ng hospital, gulat ito ng malamang kalalabas niya ng hospital at mabilis naman niyang ipinaliwanag rito ang dahilan. Nagpasya siyang makipag kita na lamang sa restoran kung saan sila nagkita ni Nica doon na lamang siya maghihintay. Malapit lang kase iyon sa exit ng hospital. Mas malapit at mas madaling mahanap. Inaantok na naupo siya sa loob ng restoran kung saan siya nakaupo kanina nuong kausap niya si Nica. Agarang naalala niya ito. Sa mukha nito kanina napikon niya ng talikuran siya nito, pilit kase siya nitong pinag a apply sa gusto. Ibinaba niya ang bagpack sa upuan, aabutin na sana niya ang panyo sa pocket para ipunas sa kaniyang mukha na may palaglag na pawis ng makita niya ang iilang pahina ng dyaryo. Inaalalang wala siyang inilagay doon o baka hindi niya namalayang inilagay doon ni Nica iyon... Simpleng napangiti siya. Swerte talaga siya sa mga kaibigan. Inabot niya ang dyaryo saka pinakatitigan ang mga nakasulat na hiring doon kahit ba nabasa na niya iyon kanina. CityVal Mall is hiring now. Please contact this number if you are interested. +63977770981 or +63977770982 From: CEO Mr. Mar Valdez Asnt: Mr. Mencho Alipayo Nawala ang pagbabasa niya ng may magsalita sa likuran niya,"Tol, anong nangyare sa Nanay mo?" boses na hingal ang nanggaling sa kaniyang likuran. Mabilis niyang nilingon si Gernie na dalawang hakbang na lang ang layo sa kaniya. Pihadong pagod na pagod ito dahil sa pagkahingal nito. Awtomatikong nilamukos niya ang dyaryo matapos hinatid ng dalawang mata ang kaibigan paupo sa harapan niya. "Hayun, hinimatay sa sobrang pagod." umpisa niyang kwento ng makaupo ito, "Ang masakit pa nabagok at hindi namin alam kailan magigising." may pait sa boses na kuwento niya. Tumango ito, nasa mukha ang lungkot, "Kumain ka na ba?" sabay kaway nito sa waitress na agarang lumapit naman. "Oo, kanina pa. Nagkita din kami dito ni Nica." minsan na rin nagkita si Gernie at Nica. Hindi sinasadyang nakasakubong niya si Gernie eksakto naman kasama niya si Nica. Agarang pinakilala naman niya si Gernie kay Nica. Nakita niyang tumango ito sa inusal niya, "Mag miryenda muna kaya tayo. Sobrang init sa labas, grabe ang summer! Nakakatamad! Mas masarap talaga pag 'di aircon ang trabaho." may iritang usal nito. Ewan ko ba! Parang may pinupunto ito o nasaktuhan lang, "Nabilataan ko, nasunog daw ang botika sa Cariota street. Tsk!" malakas na palatak nito matapos pinagkatitigan siya. Wala pa 'man siyang sagot pero inunahan na naman siya nito ng magsalita ulit ito sa harapan niya, "Nag resigned na rin ako sa Melbar Street. Ang init kase sa botika, open na open!" nanlaki ang dalawang mata niya sa nalaman. Siya nga kailangan niya ng trabaho, samantalang ito nag resigned! Mapapa sana all kana lang talaga kay Gernie! "Mabuti ikaw pa resigned resigned na lang sa trabaho Gernie, samantalang ako naghahanap." Inirapan siya nito matapos nagsalita sa kaharap nitong waitress, "Hamburger combo please, dalawang set. Thank you!" masabi humarap ito sa kaniya. "E, 'di magkasama tayong hahanap ng trabaho! Problema ba 'yun?! Pero ayoko na sa botika. Nakakasawa kaya!" saka ngumiti ito ng makahulugan. Sa tagal niyang kaibigan si Gernie kilala niya ang ngiti na 'yun! At alam din nito ang ayaw na ayaw niya! "Past ako d'yan sa gusto mo!" inunahan na niya ito. "Kahit ba sabihin ko'ng malaki ang sahod?" agarang napatitig siya sa dalawang mata nito. Basta talaga pera ang pag uusapan nagiging interesado siya! "Ano ba 'yan? Puwede ba 'ko d'yan? Ha?" "Sus! Puwedeng puwede! Sa ganda mo na 'yan! Posobleng 'di ka papasa!" mabilis na sagot nito habang nanliit ang dalawang matang nakatitig sa kaniya. "Gernie! Huwag mo ko'ng titigan ng ganyan! Virgin 'to! Wala pa'ng nakasalat sa malaki ko'ng s**o at nakalamas dito! Kaya kung magpo pokpok ako, past ako d'yan!" Malakas na humalakhak ito sa kaniya. Minsan baliw din ito, kase ang tipo ng tawa nito pang mental ba. "Sa palagay mo, gusto ko magpokpok?! Bunganga mo talaga!" matapos yumuko at hinagilap ng dalawang kamay nito ang bag. Tila ba may hinahanap. "Tararan!" sabay taas nito sa nakuhang isang papel sa bag. Kunot nuo siyang napatitig sa hawak nitong dyaryo. "Sixteen thousands ang sahod monthly, tol!" wika nito sa nakasanayang tawag sa kaniya, "At take note! Allowed ang naka pants kaya gora tayo!" sa mukha may pagka sigla, maging siya'y nagliwanag ang mukha at agarang napa buka ng bibig ng marinig ang puwedeng isuot. "Ay! Gusto ko 'yan!" walang tanong na ulas niya kung ano bang trabaho ang meron ang sinasabi ni Gernie. To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD