Kabanata 106... Judie Mar's P. O. V PINAKATITIGAN ko ito habang humahakbang palapit sa amin. Ang maliit na mukha nito at ang kasimplehan ng dalaga ang syang lalong nagpahirap ng puso ko. Aminin 'man, simula ng magtagpo kami nito. Lalo lang akong nabaliw rito. Lalong nadagdagan ang pagmamahal ko kahit na ba may bagong nagmamahal na rito at minamahal na ito. Pero hindi ko hahayaan na magtagpo ang dalawa at sa susunod na araw pa. Titiyakin kong mangyayare iyon. Naging tanga ako na kahit alam ko ang address nito sa Hong Kong nagbulag bulagan ako at nagbingibingingan. Inignora ko ang isang bagay na dapat ay ginawa ko na nuon. Ang iuwe ito ng bansa. Minsan, natatanong ko sa aking sarili. Karapat dapat ba ako sa grupo? Mahina ako sa bagay na alam kong kaya ko naman ngunit nangingibabaw ang

