Kabanata 107... BAWAT HAKBANG KO ay kada hampas naman ng hangin sa mukha ko. Habang papalapit kami ang syang unti-unting pagkabog ng dibdib ko dahil sa narinig kong palaro na gusto ni Jake. "Okay ka lang Layla?" nakangiting baling sa akin ni Nica, nahuhuli kase ako sa paghakbang. Nag iisip kung makikihalobilo ba ako sa palarong ginusto ng mga ito. At ilang hakbang na lang malapit na kami kung saan naka pwesto ang mga Poty. "Oo naman," marangyang sagot ko. Ilang hakbang ang layo ng apoy nang huminto kami. Ang apoy ang syang naging ilaw sa madilim na paligid. Sa mga gilid makikita mo ang mga poty. Parang tingin ko sa mga ito tila ba mga nagtitingkaran sa kagwapuhan. Mga nakatayo ang mga ito at may kaniya-kaniyang usapan. Bukod tangi lang kay Judie na nakatayong nakatingin sa akin ka

