Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ VIENN POV: ¤¤¤ Naiinis na ibinaba ko ang phone ko dahil hindi ko matawagan ang numero niya. Tinawagan ko si Lilian pero hindi daw siya sa bahay natulog kundi sa bahay ng mga magulang niya. Tinawagan ko na din ang mga magulang niya pero ayaw naman daw niya akong kausapin kaya naman mas nakaramdam ako ng inis na may kasamang pag aalala sa kanya. "C'mon little hamster.." gigil na saad ko habang nakatitig ako sa screen ng phone ko pero sadyang walang sagot mula sa kanya. Hindi ko naman sinadyang pagtaasan siya ng boses kagabi. Nabigla lamang ako dahil sa nalaman ko na umaaligid sa kanya ang Baker na iyon na halatang nananadya habang wala ako sa paligid. "DG, ayos ka lang?" Napaangat ang tingin ko kay Aldrin ng nagpasya na akong bumalik ng kubo.