Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ VIENN POV: ¤¤¤ Parang gusto kong pagsusuntukin ang sarili ko sa kagaspangan ng ugaling ipinaramdam sa kanya. Totoong nagalit ako dahil sa pagkarinig ko ng boses ng Baker na iyon. Anong ginagawa ng Baker na iyon at bakit kasama siya nito. "Ahhhhhh... damn it." Gigil na para kung gustong ibato ang cellphone ko. Maaga ko na lang itong tatawagan bukas ng makahingi na naman ako ng tawad sa kanya. Hindi dapat patagalin ang hindi namin pagkakaunawan lalo na at hinuhuli ko palang hanggang ngayon ang loob niya. Baka kapag nagpatuloy ang alitan namin ay mas lalong lumayo ang loob niya. Saka napapansin ko na ngayong wala ako sa tabi niya ay gumagawa ng paraan ang Baker na iyon na mapalapit sa kanya. Nanggigigil ako sa galit habang iniisip ko na sinasali