Kabanata 4

1285 Words
“Ara!” sigaw ni Matilda nang maabutan nila ang kanilang anak sa palayan. Madali namang napatingin si Ara sa kanyang mga magulang. Pinag-drive pala sila ni Andre dahil nga sa ginamit ni Ara ang vintage car nila. Napakunot ang noo ni Andre nang mapagsino ang mga taong kausap ni Ara. Walang iba kung hindi si Noah kasama ang magulang niya. “Anong ginagawa mo diyan, Ara?” monotonong tanong ni Andre at saka niya nilapitan ang dalaga. Nang makalapit ay kaagad na naramdaman ang tensyon sa pagitan nila ni Noah. “Magandang hapon po, Senyorito Andre,” bati ni Wilma. “Magandang hapon po,” pag-uulit na bati naman ni Romeo. “Aling Wilma, hindi ko alam na anak ninyo pala si Noah,” aniya. Dinig ang pagkadismayado niya sa kanyang natuklasan. “Bakit po, Senyorito?” pagtataka ni Wilma. “Mabuting anak po si Noah. Mapagmahal ang anak ko at responsable,” dagdag pa niya. Ngumisi si Andre at saka tiningnan ng may halong yabang si Noah. Samantala, seryoso namang nakatingin si Noah sa kanya at walang balak na patulan pa siya lalo na’t nasa tabi niya lamang ang kanyang mga magulang. “Wala naman, Aling Wilma. Naniniwala akong pagbubutihin ni Noah ang pagsasaka hanggang sa pagtanda niya.” May halong dobleng kahulugan ang mga salitang binitawan ni Andre. “Ah, aalis na po pala ako, Manang Wilma, Manong Romeo,” nakangiting paalam ni Ara. “Nice to meet you.” “Mag-iingat po kayo, Senyorita Ara,” wika ni Wilma. Hindi maiwasan ni Ara na tingnan si Noah. At hindi niya akalain na nakatingin rin si Noah sa kanya. “Bye, Noah. See you around,” paalam ni Ara. “Ingat, Senyorita,” wika naman ni Noah. Sa hindi malamang dahilan ay ipinulupot ni Andre ang kanyang kamay sa bewang ni Ara at tiningnan ng seryoso si Noah. Napunta naman ang tingin ni Noah sa bewang ni Ara na hawak ni Andre ngunit sumaglit lamang iyon. Tila ba nais ipaalam ni Andre na sa kanya si Ara. Umalis sina Andre at Ara kasama ang mga magulang nito. Humarap si Wilma sa kanyang anak at may halong pag-aalala sa kanyang pagtatanong. “Anak, may dapat ba kaming malaman ng tatay mo?” Mababakas ang kaunting pag-aalala sa boses ni Wilma. “Wala ho, nay. Alam naman ninyong hambog ang Andre na yon.” “Anak,” saway ni Wilma. “Alalahanin mong siya ang tagapagmana ng mga ari-arian ni Don Arturo. Kapag naka-alitan natin siya, baka kung saan tayo pulutin.” Sumeryosong muli ang mukha ni Noah. “Kaya nga nagpupursige ako, nay. Ayokong habangbuhay tayong alipin. Malaking tulong na nandiyan si Don Arturo. Pero kapag dumating ang panahon na ipamana na niya sa Andre na yon ang lahat ng ari-arian niya, tiyak na paaalisin niya tayong lahat sa lupain.” “May punto si Noah, Wilma,” wika naman ni Romeo. “Malayong-malayo si Senyorito Andre sa kanyang ama. Masyadong mabait si Don Arturo at tuso ang naging bunga nila ni Susana.” “Huwag kayong mag-alala, nay. Hindi ko hahayaan na ganito na lamang tayo. Pangako ko sa inyo na iaahon ko kayo sa buhay,” wika ni Noah. Samantala, habang nasa byahe sina Ara pauwi sa kanilang mansyon ay kinausap siya ng kanyang mga magulang. “Ara, what were you doing there? Paano kung mapahamak ka? Wala kang kasama,” nag-aalalang sambit ng kanyang ina. Tahimik lamang na nakatitig si Ara sa kalsada. Napapatanong siya sa sarili niya kung bakit hindi niya mabura sa kanyang isip si Noah. Hindi niya makalimutan kung paano siya nito tingnan. Kung paano kaganda ang kanyang mga mata. Tila may kakaibang pakiramdam siyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya si Noah. Ngunit alam niyang iyon na ang huling pagkikita nila dahil sa Destileria siya magfo-focus. Hindi niya rin mawari kung bakit may halong kaunting lungkot sa kanya. “You’ll start tomorrow sa Destileria,” ani Arnaldo kay Ara. “Bukas na po agad, Dad?” “Yes, anak. It’s all settled. We are grateful to Don Arturo for accepting you there. Pack your things when we get home para bukas ng umaga maihatid ka ng driver pabalik sa hacienda Dela Torre.” “Dad, can I have at least a week before ako magsimula?” nakangiwing tanong ni Ara. “Hindi ka na bata, Ara. Be responsible,” final na wika ni Arnaldo. Walang nagawa si Ara kung hindi ang sundin ang sinasabi ng kanyang ama. Kinabukasan ng umaga, habang nasa loob siya ng sasakyan papunta sa hacienda Dela Torre ay nakiusap siya sa driver. “Kuya, can you drive me back there sa palayan?” “Bakit po, Senyorita? May naiwan po ba kayo doon?” “Wala naman. May gusto lang akong tingnan bago dumiretso sa hacienda Dela Torre.” Tiningnan siya ng driver sa rearview mirror. Kita ang nagtatagong galak ni Ara dahil bago siya magsimula sa kanyang mga gagawin ay masisilayan niya ang taong hindi maalis sa kanyang isip. Nang makarating sa palayan ay hindi muna siya lumabas ng sasakyan. Pinasadahan niya ng tingin ang mga magsasaka hanggang sa nasipat niya ang topless na si Noah habang umiinom ng tubig sa may silong sa gilid ng malaking puno, di kalayuan sa kanyang kinasasadlakan. Napaawang ang bibig ni Ara dahil hindi siya makapaniwala sa kakisigan na taglay ni Noah. Pawis ito at naliligo rin ng pawis ang kanyang buhok. Hindi namalayan ni Ara na lumabas na siya ng sasakyan habang pinapanood si Noah. Nang matapos uminom si Noah ay nasipat niya kaagad si Ara sa di kalayuan. Kumabog ang puso ni Ara sa kanyang dibdib nang magtama ang mga mata nila ni Noah. Bigla siyang kinabahan na para bang nahuli siya ng kanyang sinisinta na nakatingin sa kanya. Sa halip na mahiya ay nginitian siya ni Noah. Hindi alam ni Ara kung bakit ba siya kinikilig. Lalapit na sana si Noah sa kanya para sana batiin si Ara ngunit tinawag na siya nila Tolits at Miguel para magbuhat ng mga sako ng bigas sa kanilang malaking bodega. “Noah! Tara na!” sigaw ni Tolits sa di kalayuan. “Sige, susunod ako!” sigaw naman pabalik ni Noah. Sa pagbalik ng kanyang tingin kay Ara ay nagulat siya nang makalapit na sa kanya ang magandang dalaga. “Good morning, Noah,” nakangiting bati ni Ara sa kanya. “Magandang umaga rin, Senyorita Ara,” bati ni Noah pabalik. “Ano palang maipaglilingkod ko?” “Ah, wala naman. Napadaan lang ako rito.” Kumikislap ang mga mata ni Ara at kitang kita sa kanyang magandang mukha na masaya siyang nakita si Noah. “Pakibati nalang ako sa mga magulang mo, Noah.” “Oo, Senyorita. Salamat,” wika naman ni Noah. “Sige, aalis na ako.” “Ah, Senyorita,” sambit ni Noah. “Ano iyon?” “Ah, wala naman. Pasensya na.” Napakamot ng ulo si Noah. Ngumiti naman si Ara sa kanya. “Mamamalagi ako sa hacienda. Makikita ba kita ulit doon?” May kung anong nabuhay sa katawan ni Noah at para bang sumigla siya ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa dalaga. “Oo, Senyorita. Regular kaming naghahatid ng mga sako ng bigas sa hacienda. Sa susunod na linggo ulit ang paghahatid namin,” sagot ni Noah. “Uhm… okay,” ani Ara. “Sige, Noah. See you again.” Umalis si Ara sa palayan at dumiretso na sa hacienda. Hindi mawari ni Noah ang kanyang mararamdaman. Alam niyang makikita niyang muli si Ara at alam niyang hinihintay siya nito. May kung anong kakaibang pakiramdam ang nabuhay sa kalooban ni Noah dahil kay Ara. Hindi kaya nagsisimula na siyang makaramdam ng sinta para sa heredera ng mga Andrada?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD