"Welcome to hacienda Dela Torre, Ara," bati ni Don Arturo kay Ara nang makarating siya sa malaking tahanan ng mga Dela Torre.
Nakahilera ang mga katulong sa gilid ng b****a ng malawak at malaking two-way door. Sa dulo niyon ay sumasalubong na sina Don Arturo, Andre, at ang ina nitong si Susana Saavedra na kararating lamang galing Paris.
"Welcome, my dear, Aurora," bati naman ni Susana nang makalapit si Ara sa kanila dala ang kanyang maleta. "Napakaganda mo. Just like me," aniya pa.
Mamula-mula ang lipstick ni Susana at ang kanyang makeup na kahit maaga pa ay talagang palagi siyang handa. Hindi rin mawawala ang kanyang iba't ibang jewelries na palaging nakasabit sa kanyang leeg at mga kamay. Lalo na ang kanyang mga damitan na talagang abot hanggang isang daang libong piso kada isa. Siya ang babaeng hindi kayang magsuot ng peke dahil para sa kanya, mga gamit na luxurious lamang ang pwede sa kanya.
"Thank you po, Don Arturo, and Tita Susana for accepting me here sa inyong hacienda," nakangiting bati ni Ara sa kanila.
"Feel free and feel at home, Ara," wika ni Don Arturo. "Andre will help you familiarize the area."
"I will, Pa."
Biglang nagalak si Ara. "Pwede po ba akong makapunta sa palayan?"
Sa isip ni Ara ay makikita niyang muli si Noah. Hindi na siya makapaghintay na makabalik muli roon para masilayan siya. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng tuwa kapag naiisip niya ang binata.
Kumunot ang noo ni Andre sa kanyang nadinig na para bang may mali dito. "Aren't we suppose to go to Destileria? At hindi sa palayan."
Sa pagsabi ni Andre sa salitang palayan ay tila ba may halong pait dito na ayaw niyang malasahan.
"Uhm, oo, Andre. Sa Destileria din, of course. Pero mas maganda siguro kung ma-familiarize ko ang buong lugar?"
"Do what you want, hija," sabat ni Don Arturo. "I'm glad that you have other interests aside to our Destileria. Andre, let her be."
"Okay, Pa," ani Andre na may halong pagkadismayado "Let me lead you to your room," aniya kay Ara.
Nang makapasok sila ni Andre sa magiging kwarto ni Ara ay naupo siya sa edge nito.
"Andre, can you tour me sa Destileria na lang? I can go on my own sa palayan since nakapunta na ako kahapon. I don't want to bother you," wika ni Ara.
"No. I will accompany you. For sure, kasama si Don Arturo at ang mom ko kapag dinala kita doon," wala sa mood na sambit ni Andre. Naramdaman kaagad ni Ara ang malamig na awra ni Andre. "You should rest. We'll talk later."
At dahil wala siyang karapatan na magmaktol sa hindi naman niya bahay ay nanatili na lamang siyang tahimik kahit na gusto niyang sawayin si Andre. Tumango na lamang siya sa utos ni Andre.
Sa huli ay nagpahinga na lamang muna siya sa kwarto hanggang magising siya dahil sa katok ng isang katulong.
"Senyorita, kakain na po ng tanghalian," wika ng katulong.
Nag-unat muna siya ng katawan at naupo, sabay humikab. "Okay, lalabas na," inaantok pa niyang sambit.
"Nang makababa sa malawak na dining area ay napansin niyang nakaupo na ang pamilya Dela Torre sa hapag-kainan.
"Good afternoon po," bati niya.
"Take a seat beside my unico hijo," nakangiting saad ni Susana. Sinunod ni Ara ang sinabi niya.
Pilit na ngumiti si Ara sa kanya. Hindi pa nga natatapos ang araw ay nararamdaman na niya kaagad na kailangan niyang magpanggap na behave siya. Kailangan niya itong gawin para sa ikasisiya ng kanyang mga magulang. At kapalit naman iyon ay ang makisama sa mga taong ngayon lamang niya tunay na nakakasalamuha.
Tahimik siyang kumakain kasama ang mga Dela Torre nang simulan siyang tanungin ni Don Arturo.
"Ara, pwede ko bang malaman kung bakit interesado ka sa paggawa ng alak?" curious na tanong ni Don Arturo. Nakangiti ito na tila ba tunay na interesado siyang malaman ang dahilan. Samantala, bored naman ang mukha ni Andre at halatang wala siyang interes sa usapan. Si Susana naman ay nakangiti lamang habang banayad na sumusubo ng pagkain. Hindi mawari kung interesado ba siya o hindi.
"Actually po," panimula ni Ara, "I want to create my own destillery. Pero ang gusto ko po kasi ay dito sa Pilipinas matuto. Ayoko po sa ibang bansa. I want to use something na galing sa sariling atin ang gawa."
"Natutuwa ako sayo, hija," saad ni Don Arturo na nasiyahan sa sagot ni Ara. "I look forward sa magiging destillery mo in the future," aniya pa.
"Maraming salamat po, Don Arturo," nakangiting wika ni Ara. Tiningnan niya si Andre at halatang hindi natutuwa sa narinig mula sa kanyang ama.
Pati ba naman si Ara ay nais siyang kalabanin sa mga mata ng kanyang ama? Nagtinginan sila ng kanyang ina na si Susana. Hindi mawari ni Ara kung ano ang nasa isip ni Susana. Samantalang si Andre naman ay umiigting ang kanyang panga.
Minabuti na lamang ni Ara na huwag nang pahabain pa ang usapan at tahimik niyang inubos ang kanyang pagkain. Nang matapos ay naisipan niyang magpunta kaagad sa likod ng hacienda at nakita niyang muli iyong tatlong katulong na babae.
"Magandang hapon po, Senyorita Ara," bati ng isa sa tatlong katulong.
"Good afternoon. Nagkita tayong muli," ani Ara. "May I know your names?"
Nagpakilala iyong tatlo na sina, Hana, Precious, at Ella. Nagsasampay na naman silang tatlo ng mabibigat na mga bedsheet at mga damit.
"Naparito po kayo, Senyorita?" tanong ni Ella nang matapos siyang magsampay. "May maipaglilingkod po ba kami?"
"Uh, ano..." kinagat muna ni Ara ang kanyang ilalim na labi. Hindi niya sigurado kung tama bang itanong niya ang kanyang nasa isipan. Ngunit sa huli ay nanaig rin ito. "Kailan darating yung mga sako ng bigas?"
"Kada linggo po dumarating," sagot ni Ella. "Bakit po, Senyorita?"
"Huy, bakit ka pa ba nagtatanong. Sagutin mo lang ang tanong ni Senyorita," bulyaw ni Hana habang patuloy siya sa pagsampay.
"Hayaan mo na siya, Hana," ani Ara. "Natanong ko lang naman. Napansin ko kasi ang dami ng sako ng bigas ang hinahatid rito," aniya pa.
"Binebenta po kasi sa merkado, Senyorita," sagot naman ni Precious habang pinupunasan sa kanyang uniporme ang kanyang mga basang kamay. "Nandito po kasi sa likod ng hacienda ang bodega kaya dito iniimpok ang mga sako ng bigas."
"Ahh, uhm... sino ang palaging naghahatid ng mga sako ng bigas?"
"Si Noah po, Senyorita," mabilis na sagot ni Precious. "Palagi nga po kaming excited na dumating siya. Napakapogi!"
"Precious! Isa ka pa!" bukyaw ni Hana. "Mahiya nga kayo may Senyorita. Ah, Senyorita, pasensya na po kayo sa dalawa."
"Okay lang," natatawa niyang sabi. "Kayo pa nga lang ang nakausap ko ng maayos rito."
Nagkatinginan ang tatlo saka nila tiningnan muli si Ara na para bang iisa lang ang nasa isip nilang apat.
"Senyorita, tumambay ka na lang dito sa likod ng hacienda para di ka mabaliw sa mag-inang Saavedra," ani Ella. Tumawa ng malakas si Ara dahil ganoon rin ang kanyang nasa isipan.
"Hay, salamat!" ani Ara.
Sakto namang may paparating na truck. Tumili si Precious dahil pamilyar na pamilyar ang truck na iyon.
"Nandito si Noah!" mahinang tili ni Precious.
Biglang kumabog ang puso ni Ara sa kanyang dibdib ng mabilis. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
Nandito si Noah. Nang tingnan niya ang gawi ng truck ay naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan dahil bumaba ang lalaking kanina pa niya iniisip. Tila ba bumagal ang takbo ng oras.
Bagong ligo. Basa ang buhok, at malinis na puting long sleeves at itim na pantalon ang suot ni Noah. Ang bango niyang tingnan sa mata ni Ara kasama ang tatlong katulong na nakatitig sa papalapit na si Noah.
"Magandang hapon, Senyorita," bati nito sa dalaga.
Napanganga si Ara nang ngitian siya ni Noah. Hindi niya mawari ang paraan ng pagtitig ng binata sa kanya na para bang may kakaiba silang mapusok na koneksyon na hindi niya mawari.
Sa isip ni Ara ay nais niyang halikan ang binata sa hindi niya malamang dahilan.