CHAPTER 11.5

1237 Words
Tiim bagang kong nilapitan ang P*ta at agad na binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha. Tumilapon ito sa sobrang lakas ng impact, malamang anong magagawa ng katawan niya laban sa'kin? Hindi ako nagkaroon ng alyas na Kamatayan ng walang dahilan. "Ayaw ko sanang umabot sa puntong manununtok ako ng babae nang hindi ko kokontrolin ang lakas na gagamitin ko. Pero lumagpas ka sa boundary mo Kate, pagmamay-ari ko ang ginalaw mo. Sa susunod na tumapak ulit 'yang mga paa mo rito sa teritoryo ko, ipikit mo na 'yang mga mata mo at magdasal na sana tanggapin ka ni San Pedro sa tarangkahan ng langit dahil hindi mo na mararamdaman sa susunod 'yang p*tang*nang ulo mo, naiintindihan mo ba?" pagbabanta ko. Tang*na hindi ako nananakot lang, seryoso ako sa bantang binitiwan ko. Hinawakan ko ang mukha niya at mariin na pinisil ang kan'yang duguang pisngi. Gusto kong durugin nang todo ang kan'yang panga pero hindi muna ngayon. Gusto kong mamuhay siya ng may takot sa akin, at nang magtanda siya na kapag naulit pa ang bagay na ito, wala ng susunod na palugit para sa kan'ya. Duguan ang labi nito dahil sa suntok na natamo, hindi rin ako magugulat kung nagkaroon ng bali ang kan'yang ilong dahil nagmukha itong si Squidwood. "Naiintindihan mo ba ang sinabi ko?" pag-uulit ko. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil baka hindi lang mukha ang nabasag sa kan'ya kung hindi pati tenga. Buong lakas kong itinapon ang mukha nito pabagsak sa lupa. "Tsss, halikan niyong apat ang lupang pagmamay-ari ko para pag nagising kayo, maaalala niyo kung pa'no kayo pinabagsak ni Kamatayan," asik ko bago ko sila lisanin. Sa pagkakataon na iwan ko sila, isa-isang nagsilapitan ang mga estudyante para makiusyoso. Wala akong pakialam kung mapagtripan man sila ng mga g*gong mag-aaral. Swerte na lang nila kung makaka-alis sila ng buhay dito sa SAA, dahil alam kong paglalaruan din sila ng mga kaluluwang halang. Hahayaan ko ang mga mag-aaral na namnamin ang tanawin na ginawa ko, para tumatak rin sa kokote nila, na kung may dapat man silang layuan sa mundo na nagngangalang SAA, ako 'yon at wala ng iba. KYLA ABEGIEL HENANDEZ "Where's Dwight?" tanong ni Carlo. Hinagod ko muna ang noo nitong nakakunot na naman bago sumagot. "He went back to SAA, may emergency raw na nangyari," tugon ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito habang naglalakad kami papunta sa kan'yang office. Kakatapos lang ng meeting at alam ko naman na pagkauwi ay pag- iinitan niya na naman ang anak niya. "Hayaan mo na si Dwight, dad. He's not a kid anymore. Hindi na natin kailangan pang paghigpitan siya masyado, okay?" Hinarap ako nito at ibinalandra ang dismayadong pagmumukha. "Ayan ka na naman Kyla. Kaya hindi sumusunod sa'kin lagi 'yang anak mo dahil d'yan sa kakakunsinte mo! Simula nang bumalik ka galing America, lumalaban na 'yang anak mo sa'kin," nanggigigil niyang ani. Imbes na mainis eh natawa pa ako sa tinuran nito. Alam ko naman kung bakit masyadong mahigpit itong si Carlo pagdating kay Dwight. Siya lang kasi ang anak namin, at nagka-trauma kami pareho nang minsang ma-kidnap ito noong nasa elementarya pa lamang. "Dad, tama na. Alam kong kagaya ko, proud ka rin kung ano na ngayon ang anak natin. Biruin mo, kaya niya ng i-handle mag-isa ang SAA, 'di ba? Tapos, lumaki siya na malakas at kilala bilang isang magaling na assassin gaya natin," sagot ko. Hindi na ito kumibong muli at nahiga na lamang sa aking hita. Habang sinusuklayan ang kan'yang buhok gamit ang mga daliri, sinabayan ko iyon ng paglalambing para gumaan ang mood nito. "Mamaya, wag mo nang pagalitan ang anak mo ah? Naiintindihan mo ba? Hindi kita patutulugin sa kwarto kapag nalaman kong tinakot mo na naman si Dwight!"banta ko. Napakamot na lang ito sa ulo habang sinusubukang matulog sa gano'ng posisyon. Alam kong comfortable na higaan ang aking hita ngunit hindi siya makakatulog ng gan'yan ang posisyon. Isang buntong hininga rin ang pinakawalan ko nang tumahimik ang paligid. Biglang pumasok sa isipan ko 'yong mga taong hindi ko kasama si Dwight. Sana naiintindihan ni Dwight kung bakit kailangan kong lumayo. Sana gaya ko, naiintindihan din ni Dwight kung bakit minsan mahigpit ang dad niya sa kan'ya. Wala namang magulang ang gagawa ng ikakasama ng kanilang anak at lahat ng ginagawa ni Carlo, lahat ng ginagawa namin, ay para sa ikabubuti niya pagdating ng panahon. Mahal na mahal namin siya at kaya naming isuko ang lahat, kung kinakailangan. "By the way, Kyla, 'yang anak mo ay may dinala dito sa H&S, alam mo na ba 'yon? Pinaimbestigahan ko na ang babaeng 'yon, at ang pangalan niya ay Keisha Loreen Yu. Kaya pala familiar sa'kin ang pangalan niya dahil napag-alaman ko na ang kapatid pala no'ng babaeng 'yon ay nagta-trabaho sa BM, at isang S class pa. Ngayon hindi na ako nagtataka kung ano ang rason niya bakit siya pumasok sa SAA. Baka pinadala 'yan ni Tandang Nora ng BM 'di ba? Kaya bilang Ina niyan ni Dwight, balaan mo 'yang anak mo, na wag masyadong dumikit sa babaeng 'yon. Hindi niya alam kung kailan siya kakagatin ng taong inaalagaan niya," ani 'to na nag-iwan pa ng utos. Diniinan ko lalo ang paghagod sa ulo ni Carlo para mawala ang inis sa kan'yang katawan. "Naku Carlo, masyadong maraming pumapasok d'yan sa isip mo. Pati ba naman ang taong kinakaibigan ng anak mo pinapakialaman mo na? Kung 'yong Keisha na sinasabi mo ay espiya galing sa BM, hayaan mong si Dwight ang tumuklas no'n. Wala ka bang tiwala sa anak natin? Hayaan mo lang, magtiwala ka sa prosesong iginugol natin pareho para tumayo siya sa sarili niyang paa. Pero alam mo, malay mo naman, ang babaeng 'yon ay pinopormahan na pala ni Dwight? Balita ko maganda naman 'yong batang dinala niya dito. Actually, I kinda like her noong nakita ko 'yong cctv footage," masaya kong tugon. "Tumigil ka Kyla! Hindi ako papayag! Kung gusto niyang pumasok sa isang relasyon, siguraduhin niya munang kaya niya nang protektahan ang buhay ng mahal niya. Sa lagay niya ngayon, mahina pa siya, wala pa siya sa kalingkingan ng mga taong nasa S class! Kaya sinasabi ko sa'yo ito Kyla at ikaw ang maayos na nakakausap ng anak mo. Wag mo munang payagan na magka-nobya 'yan! Hindi ako magdadalawang-isip na gumawa ng paraan para paghiwalayin 'yong dalawa kung magkataon. Kailangan munang patunayan sa akin ni Dwight na handa na siya. Na karapat-dapat na siya," mahabang lintana ni Carlo. May punto naman siya do'n at hindi ako makipapag-away para lang kontrahin ang sinabi niya. "I know, I know. Kikilalanin ko rin muna kung sino ang napupusuan ng anak natin. Ako na ang bahala. For now, dahil napahanga mo ako sa meeting kanina, I'll give you a reward," ani ko. Sinadya ko pang ibulong sa kan'yang tenga 'yong huling parte para naman mawala na ang negatibong naglalaro sa kan'yang utak. Hindi naman ako pumalya dahil biglang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Mabilis na umayos ng upo si Carlo pero nakatingin lang ito sa akin. Paniguradong hinihintay niya akong mag-initiate, kung sabagay ako naman talaga ang laging unang gumagalaw sa amin kahit noon pa man. At dahil satisfied ako sa performance niya kanina, isang mahabang halik ang pinagsaluhan naming dalawa. "Gagawa na ba tayo ng kapatid ni Dwight?" mapanuksong bulong nito. "Kung kaya ng alaga mo," natatawa kong sagot bago magsanib pwersa ang apoy sa aming katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD