DWIGHT
"Finn, cancel muna ang punishment ni Keisha dahil may emergency meeting dito sa H&S. Hindi ko siya mababantayan, kaya bukas mo na lang siya dalhin sa punishment room," mabilis kong utos. Takas na tawag lang ito kaya hindi ko pwedeng kausapin nang matagal si Finn.
Maaga akong umalis sa Saint Augustus dahil bigla na lang tumawag si dad kaninang madaling-araw para papuntahin ako dito sa H&S. Pag-uusapan daw kasi namin kasama ang mga newly promoted Class S officers para samisyon na ino-offer ng US sa society namin. Ang alam ko malabong tanggapin ang 'yon ni dad, kaya bakit pa niya ako pinapapunta? Hindi kaya nagbago bigla ang kan'yang isip? Ngunit imposible. Knowing him, he's a man with one word. Masyadong mahalaga ang kan'yang pride para ibaba niya ito.
Kahit ayaw kong makisali sa kung ano man ang pag-uusapan ngayon, pinilit kong pumunta dahil isa akong Hernandez at tungkulin kong sumunod sa lahat ng pinag-uutos ni dad sa'kin.
'Tsk, hindi na rin naman magtatagal ang ganitong palabas. Sisiguraduhin kong makakawala rin ako sa anino niya.' I whisper at the back of my mind.
Gaya nga ng sabi ko kanina, takas lang 'yong tawag at kasalukuyan akong nasa private room para ipaalam kay Finn na bukas na lang niya dalhin si Keisha para parusahan. Kahit delikado 'tong ginagawa ko, mas mabuti nang mabalaan agad si Finn kesa naman makulong si Keisha ng hindi ko nababantayan. Mahirap na, ngayon na alam na halos lahat ng nagta-trabaho sa H&S Society na si Keisha ang kasama kong pumunta dito, paniguradong may ilan na gustong tiktikan siya. Hinihintay ko pa ring sumagot si Finn, marahil may inaayos ito kaya hindi kaagad siya nagsasalita.
Tsk, bagal! Kapag natunugan ni dad na wala pa ako sa conference room, paniguradong makakatikim ako ng latay mula sa kan'ya.
"Pasensya na Kamatayan medyo mahina ang signal ngayon dito, pero nadala ko na si Miss Yu do'n. Actually kanina pa talaga. Akala ko kasi nasa office ka at kasalukuyang pinapanood si Ms. Yu. Hindi ko naman natunugan na umalis ka pala at pumunta sa H&S. Pero sige papakawalan ko na lang muna siya at mukhang--"
Hindi na natapos pa ni Finn ang sasabihin dahil biglang naputol ang tawag.
Sinubukan ko muli itong tawagan pero hindi ko na ito makontak. Sa huling pagkakataon, dinial ko ulit ang number nito ngunit napukaw ang aking atensyon no'ng makarinig ako ng ilang katok. Kabado at nagmamadali kong itinago ang cellphone sa aking bulsa, tapos inayos ang sarili bago buksan ang pinto.
"Oww, nandito ka lang pala. Hinahanap ka na ni dad," ani mom. Yeah, muntik ko nang makalimutan na naririto rin pala siya. Tsss, kahit wala naman talaga siyang maiaambag patuloy pa rin siyang binibitbit dito ni dad. Para saan kamo? Ha! para may ipagmalaki ang matanda na iyon na kesyo buo at sinusuportahan namin ang isa't-isa. Pero ang hindi alam ng lahat he's just manipulating me and this b*tch. Lahat ng gusto niya, 'yon dapat ang mangyari. Hindi ko nga alam kung bakit bumalik pa 'to after ng lahat ng pinagdaanan ko sa kamay ni Dad, aakto siyang parang may malaki siyang ambag sa buhay ko at kung ano man ako ngayon.
"Bakit ba kayo nandito? Dapat nanatili na lang kayo sa bahay," iritableng tanong ko. Isinawalang bahala niya ang bastos na pananalita ko laban sa kan'ya. Sige, umakto hka hanggang sa tuluyan kang bumigay. At dahil isa siyang magaling na aktres, nagawa niya pa akong nginitian though halata namang peke.
"I love your dad that's why I'm here. I love you both, at ano man ang mangyari, kung nasaan kayo, nando'n din ako," tugon niya. Napailing na lang ako dahil halos gustong lumabas ng sikmura ko sa bulok niyang mga salita.
Napakatamis, umay.
Naririnig niya ba ang sinabi niya? Tsk.
Hindi na lang ako sumagot at nauna ng maglakad sa kan'ya. Nang malapit na kami sa conference room, biglang nag-ring ang aking phone. Hindi ko sana sasagutin ang tawag dahil papasok na kami pero nang makita ko na si Finn ang nasa screen, sinagot ko ito kaagad.
"Hello? Finn?" mabilis na tanong ko. "Kamatayan, may bagyo tayong bisita. Kate is here! Nag e-eskandalo siya dito ngayon! She tricked us para makulong kami ni Vixel dito sa office mo! Maayos kami ngayon, pero si Ms. Yu, hindi ko alam kung hanggang kailan pa siya tatagal. Nanganganib siya ngayon! Naka-monitor kami sa cctv sa punishment room kung saan nakakulong si Miss Yu ngayon, at nakita namin na duguan ito't walang malay. You need to come back now, Kamatayan! Help her!" balita ni Finn na labis na natataranta.
Kaagad kong ibinaba ang tawag nang malaman ang masamang balita. "Mom, can you do me a favor kahit ngayon lang? Ikaw nang bahalang mag-explain kung bakit wala ako. May emergency sa SAA, I need to go back now," ani ko. Tumango naman ito bago sumagot. "Okay, okay, I understand. Ako na ang bahala sa dad mo, be safe okay?" mabilis niyang tugon sabay tapik sa aking balikat. Kaagad ko 'yong tinanggal dahil nakakadiri. "Thanks" matipid na paalam ko tapos nagmamadaling tumakbo papalabas ng building.
'That B*tch! Sinong nagbigay ng permisyo sa kan'ya para tumapak sa Saint Augustus?'
Sa sobrang gigil ko, pinaharurot ko kaagad ang aking sasakyan. Kilala ko si Kate, simula't sapul na magkita kami, alam kong may sira na ang utak ng babaeng 'yon. Sa lahat siguro ng mga nagkakandarapa sa'kin, siya ang pinaka-malala. Kung nagtatanong kayo kung bakit kilala namin ang isa't-isa, Vice President ng H&S ang tatay nito kaya lumaki rin siya para pagsilbihan ang mga Hernandez at magtrabaho sa Society. Kung tutuusin, maayos naman ang pakikitungo ko sa mag-asawang Salcedo, pero ang anak nilang si Kate, hinding-hindi ko talaga matatanggap, lalo na ngayon na sinagad niya ang pasensya ko. Ewan ko na lang kung makalabas pa siya ng buhay sa SAA.
Pasensyahan na lang kami ngayon. Siya ang nagsimula, ako ang tatapos.
Pagkarating ko sa Saint Augutus, nakita kong walang malay ang mga gwardya. Tahimik ang paligid dahil kasalukuyang nasa klase ang mga estudyante. Kaagad akong tumakbo patungo sa punishment room para i-check ang kalagayan ni Keisha. Habang papalapit ako nang papalapit sa kulungan, ay siya namang labis na kalabog ng puso ko.
Natatakot ako sa maaari kong makita.
Papakalmahin ko muna ang sarili ko bago ako pumasok mamaya, dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag tumambad sa'kin si Keisha na nasa masamang kalagayan.
Halos maputol na ang mga paa ko sa pagtakbo. Huminga muna ako nang malalim bago kinuha ang susi sa bulsa, tsaka ko binuksan ang pinto.
Halos panghinaan ako ng tuhod nang makitang walang-malay na nakabitin ang katawan ni Keisha habang tumutulo ang maraming dugo sa kan'yang binti.
"Keisha?! Keisha!" malakas na tawag ko. Gumawa ako ng paraan para maibaba siya kaagad sa pagkakagapos, at pagkatapos no'n ay dahan-dahan ko siya hinagkan. Hindi ko ininda kung mabasa ng dugo ang pang-ibaba kong suot at walang ano-anong sumalampak sa maruming sahig. Marahan kong tinapik ang pisngi nito para magising habang tinatawag ang kan'yang pangalan, pero bigo akong makakuha ng sagot mula sa kan'ya. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na tumayo para dalhin siya sa clinic noong lumipas ang limang segundong hindi pa rin ito nagigising. Tangan-tangan ang katawan nito, kumaripas ako ng takbo palabas ng kulungan. Kapag minamalas nga naman, dahil saktong labasan na ng mga mag-aaral. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang magpatuloy pa rin kahit maraming nakaharang sa daan.
"Tabi!!!" sigaw ko do'n sa mga estudyanteng ginawang tambayan ang pasilyo.
'This f*ckng as*holes! What the heck are they doing, blocking the f*ckng pathway!'
"Is that the new student?"
"O my, what-"
"Tumabi sabi! Gusto niyo bang mamatay!" sigaw kong muli habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Binilisan ko pa lalo ang bawat paghakbang at hindi na nagpatumpik-tumpik na banggain ang lahat ng haharang sa daan. Nang makarating na kami sa clinic, kaagad kong hinanap si Nurse Ja. Matagal na siyang nagta-trabaho sa pamilya namin at kahit medyo may edad na siya, handa pa rin siyang pagsilbihan kami.
"Nurse Ja, help her, quick!" tarantang pakiusap ko. Marahan kong ibinaba ang katawan ni Keisha sa hospital bed. "Jusko, anong nangyari sa kan'ya, Ellise?" tanong ng matanda sa'kin.
Napasabunot ako sa buhok dahil naghahalo-halo ang emosyon sa aking katawan. Hindi ako makapag-isip ng maayos, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Hindi ko alam Nurse, nakita ko na lang siyang ganyan. And-- and, Please, gawin niyo ang lahat para gamutin siya. Nagmamakaawa ako sainyo," pagsusumamo ko. Tumango ito nang tumango habang sumesenyas na kailangan ko ng lumabas.
"Kami na ang bahala dito Ellise, ang kailangan mong gawin ngayon ay kumalma ha? Hindi ako mapapatawad ng Papa mo kapag may mangyari rin sa iyo," ani 'ya. Wala na akong nagawa kung hindi ang umatras. Mabigat man sa aking damdamin na iwan si Keisha, ang tanging nagawa ko na lang ay pagmasdan ang walang malay na katawan nito na nakaratay. Isinara na ni Nurse Ja ang kurtina at ako naman ay naiwang puno ng galit. Umupo muna ako saglit, hinayaan ko munang magsitaasan ang dugo sa aking ulo. Gusto ko kapag nakita ko ang tang*nang Kate na 'yon, kusang gagalaw ang kamao ko para tanggalin lahat ng kabaliwan sa katawan niya.
Nang makuntento na ako at handa ng magpakawala ng lahat, mabilis akong tumakbo palabas para puntahan sina Vixel at Finn na nasa office ko. Pasensyahan na lang sa dalawa dahil sila ang magiging punching bag ko kapag hindi ko naabutan ang higad na si Kate. At sana naman, nananalangin na ang p*tang*nang babaeng 'yon ngayon, dahil kapag nakita ko talaga ang pagmumukha niya, hindi ko alam kung anong magagawa ko. Swerte niya na lang kung hahayaan ko pa siyang mabuhay.
"How's she Dwight? Nakaka-touch naman na ikaw pa ang naghatid sa kan'ya sa clinic," ani ng isang nilalang sa likod. Mabilis pa sa kidlat na nilingon ko ang babaeng nagsalita. Kaagad kong inangkin ang leeg nito at diniin ng sakal. Pilit siyang nagpupumiglas sa kamay ko pero pasensyahan kami dahil hindi ko makontrol ang aking lakas, hindi ngayon.
'Ha? Ngayon iiyak-iyak ka? G*go! Ikaw ang unang tumapak sa teritoryo ko kaya sana pinaghandaan mo na kung ano ang magiging kapalit ng iyong kapangahasan kapag nahuli kita,' bulong ko sa aking sarili.
"I'm expecting na alam mo kung ano ang mangyayari sa'yo kapag 'yang paa mo ay humalik sa teritoryo ko. And because you're so brave to take the risk just to get my f*ckng attention, I'll give you what you f*ckng want. I'll be generous to give you a f*ckng reward for the f*ckng effort you've exerted. And because I'm the type of person who appreciates efforts, I'll give you three f*ckng minutes to stare at my f*ckng face until you f*ckng die," nanggigigil na ani ko.
Isang mapang-insultong ngisi lang iginanti nito kahit halos tumirik na ang kan'yang mga mata. Sa oras ng kamatayan, nagawa niya pa ring ipilantik ang kaniyang daliri, dahilan para sumigaw ang malakas na putok ng baril. Hindi lang isang beses kun'di tatlong sunod-sunod na bala ang nagwala. Sa kasamaang-palad, isang bala lang ang bumaon sa balikat ko pero sapat na 'yon para maudlot ang kamatayan ni Kate.
Umubo nang umubo ang P*ta at habol-habol na humigop ng maraming hangin. Tang*na, nahiya pang sunduin ni Lucifer, muntik na siya do'n.
"That's a nice choke Babe, I like that," mapaglaro niyang ani sabay tapon ng isang kindat. Kahit nagngingit-ngit sa galit ang aking katawan, nanatili akong nakatayong matatag sa aking kinatatayuan. Wala akong paki kung humahalik na ngayon sa lupa ang dugo mula sa napuruhang balikat.
"Tsss, next time, hindi ko paabutin ng isang minuto ang palugit para sa buhay mo," ani ko.
Tumawa siya nang malakas pero agad niya ring binawi. "I see, ngayon ay malinaw na sa'kin ang lahat. You like that B*tch huh? Well, don't blame me, kung hindi lang ito ang huling beses na manganganib ang buhay niya," pananakot ng P*ta. Susugudin ko pa sana siya para wasakin ang kan'yang nakakasulasok na mukha kaso bigla akong inawat ng tatlong lalaki.
Natigilan ako saglit dahil hindi ako makapaniwala na may bitbit siyang alalay. Mukha ngang pinagplanuhan niya itong lahat.
"Iniinsulto mo ba ako huh, Kate? Tatlong lalaki lang ang dinala mo para pigilan ako?" mayabang na tanong ko. Gamit ang mga paa, isa-isa kong pinatumba 'yong tatlong gunggong na ngayon ay nakahalik na rin lupa.
Tsk, kulang sila sa balut. Masyadong lampa.