CHAPTER 10.5

1784 Words
"Pwes sabihin mo sa kumag mong amo mamatay na siya! At pakibilisan niya kamo! Namumuro na talaga siya sa'kin ah! Nananahimik ako, sinisimulan niya?! 'Pag ako talaga nakaganti, buhok niya lang sa kili-kili ang patatawarin ko!" galit na bulyaw ko. Hindi nakalagpas sa'kin ang pasimpleng pagtawa nito ni Finn. Tang*na, isa pa 'yang bwesit na pangalan niya. Napakalansa amp*tek! Pasensya na, pero, wala ba sa katinuan ang mga magulang nito at weird na pangalan ang ipinangalan nila sa kanilang anak? "Anong tinatawa-tawa mo d'yan!" iritableng tanong ko. "Wala," matipid niyang sagot, pero patuloy pa rin sa pagtawa si g*go. Nakarating na lamang kami sa pinakadulong bahagi ng Saint Augustus, at tang*na naman, hindi pa kami nakakalapit nang tuluyan sa pagkukulungan ko, wine-welcome na agad ako ng mabahong amoy. "Oh, sh*t!! Wag mong sabihing d'yan ako magpapalipas oras? Baka gusto mong mamatay nang maaga ah!" bulyaw ko. Tumango ito tapos pilit na ipinapasok ang aking magandang katawan sa loob. Ako naman todo ang pagpupumiglas dahil ayaw ko talaga! Nakakdiri kasi kung makikita niyo! 'Yong amoy pa lang nga pamatay na, pa'no pa 'yong itsura no'ng loob? Susmiyo, mahabagin! Hindi ako mamamatay sa gutom nito, kun'di sa amoy ng kulungan! "Kung gusto mong makalabas agad, sumigaw ka lang na tinatanggap mo ang offer, tapos papakawalan na kita," ani ya. Tang*na talaga ni Kamatayan! Pinapangako ko, after kong makalabas sa kulungan na 'to, magsusuntukan talaga kaming dalawa! "Nga pala, stricly no meals. 'Yon ang utos sa'kin, kaya goodluck," ani 'to tapos sinusian niya na 'yong pinto habang ako eto, nakaposas pa rin at kaunti na lang at babaliktad na ang sikmura. "F*ck you sagad sa buto, sa kaluluwa, Kamatayan! Duwag ka! Bwesit ka! Bakla! Bakla! Dinadaan mo ako dito para masunod ang gusto mo? Hotdog ka! Manigas ka kakahintay!" sigaw ko. Nakakita ako ng cctv sa sulok ng kwarto, marahil sa ngayon ay labis na ang tuwa ng pesteng demonyong 'yon habang pinapanood ako. Sumigaw ako nang sumigaw. Minura ko siya nang minura hanggang sa mangati ang lalamunan ko. After kong manahimik, iginala ko ang aking mga mata, and yah, pigil-pigil ko ang sarili ko na wag masuka sa nakikita. Wala lang naman ito, hehehe. Wag kayong mag-alala dahil ang nakahilata lang naman sa sahig ay mga bungo, lasog-lasog na balat na nagkalat, mga namuong dugo, may mga parte pa ng katawan na sariwa pa at halatang kakamatay lang ng biktima. Hindi ko alam kung tapunan ang lugar na 'to ng mga pinapatay nilang tao, o baka mga estudyante ng SAA na kumalaban kay Kamatayan. Oo, sanay naman na akong makakita ng mga ganito. Wala lang 'to sa'kin, pero kasi, ang ultimate boss kasi dito eh 'yong pesteng amoy talaga! Hindi man lang ako na-informed na ganito pala dito, na kailangan ko pa lang magdala ng facemask o kahit panyo lamang panakip ng ilong. Makalipas ang tatlumpong minuto na paghihirap, bumukas ang pinto at inuluwa nito ang dalawang lalaki. Remember 'yong unang araw ko dito sa SAA? Kung saan pinahirapan ako ni Kamatayan? Sila ata 'yong pumukpok ng baseball bat sa binti ko. Pero nakapagtataka dahil, hindi naman nakatakip 'yong mga mukha nila no'ng pinapahirapan nila ako. Pero ngayon naka maskara sila. Taray, level up 'yan? Psh, mga duwag amp*ta! Tama lang 'yang naisip niyo dahil tatandaan ko ang mukha niyong mga walanghiya kayo at pag ako'y nagkaroon ng tyempo, isa-isa ko kayong sisingilin! "Anong gagawin niyo?" tanong ko sa kanila. Hindi sila kumibo, aba naman nagmana sa amo nilang pipe! "P*ta, ano sabing gag----" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang sikmuraan ako no'ng isa. "'Yong isang lalaki, tinakpan ng panyo ang ilong ko na nagresulta para mawalan ako ng malay. 'Tang*nang, pasabog 'to Kamatayan, napakaganda!' Nakakahiyang hindi ibalik ang ganitong klaseng pasabog. Hindi ko alam kung anong ginawa nila sa'kin habang wala akong malay. Nakapagtataka lang din dahil mabilis din naman akong nagising. At ayon na nga, pagkagising ko, nasa punishment room pa rin ako pero nakataas na ang dalawa kong kamay. Hindi na ako nakapagpigil at nasuka na ako, hindi ko na kasi matakpan ang ilong ko, dahilan para halos sapian na ako ng nakakasulasok na amoy na hindi kinakaya ng aking tyan. Dugyot na kung dugyot, magpalit tayo ng pwesto aber! Kala niyo ah! Sa sobrang dami ng sinuka ko, naubos na ata 'yong kinain kong almusal. "Hello," bati ng isang babae. Nagulat ako nang marinig ang boses nito. Nasa likuran ko siya ngayon at dahil nakakadena ang mga kamay ko at nakataas pa nga, hindi ko magawang lumingon. "Keisha Loreen right? Hehehehe, nice to meet yah," dagdag niya gamit ang matamis nitong boses. P*ta, kasuka. "Sino ka namang buang ka? Katulong ni Kamatayan?" tanong ko. Natawa ito no'ng marinig ang sinabi ko. Tsk, bakit tumumpak kaya ang hula ko? "Katulong? Actually, I'm his fiancee," taas noong tugon nito. Saglit akong natigilan dahil tila hindi ata maproseso ng utak ko ang kan'yang tinuran. Nag jo-joke ba 'tong bruhang 'to? Si Kamatayan magkakaroon ng fiancee? Pffft-- "I see hindi ka naniniwala. Well, Keisha Loreen, ikaw 'yong kasama ni Kamatayan sa H&S 'di ba? Ikaw 'yong bisita na tinutukoy ng mga tao do'n?" tanong nito na medyo maasim nang kaunti ang tono ng pananalita. Hinarap na rin ako sa wakas ng bruha na ngayon ay hawak-hawak nang mariin ang aking pisngi. "Ano naman sa'yo kung ako nga 'yon? Mamamatay ka ba?" pilosopong sagot ko. Tumawa ito nang napakalakas, akala niya ata matatakot ako kung gagayahin niya 'yung tawa ni Nanno. G*ga, pabibo amp*ta. "Okay, masaya ka na niyan?" mapang-insultong tanong kong muli. Natigilan ito tapos isang malakas na sampal ang ibinato nito sa'kin. Wow! Ang sarap naman no'n. "Sumusobra ka na, Keisha Loreen. Siguro nagtataka ka kung bakit ako nandito sa harap mo. Gusto ko lang naman balaan ka at sabihin sa'yo na akin lang si Kamatayan. At kapag sinabi kong akin lang, akin lang! Naiintindihan mo ba?" nanggigigil na banta niya. Talagang inilapit pa nito ang mukha niya sa'kin, habang dinudurog naman ng kaniyang kamay ang pisngi ko. Inirapan ko siya at saka tumawa nang mahina. Pake ko sa Kamatayan mo? Kahit ipasok mo pa sa katawan mo ang bwesit na 'yon, wala akong paki. "Bobo ka ba? Ako? Magkakagusto sa hunghang na 'yon? Pwe! Wag mo kong itulad sa inyo na mga baliw!" taas noo kong tugon with matching paulan ng laway pa. Yep, dinuraan ko po siya. Hehehehehe sinampal niya ako, edi gantihan natin. Hindi ko man magamit ang mga kamay ko para ibalik 'yung sampal sa kan'ya, marami naman akong laway na pwedeng ipanlaban sa kademonyohan niya. Hmfp, ako pa hinamon ng g*ga! 'Kala niya, pipitsuging babae lang ako? Lol, ngayon, gulat na gulat siya dahil mabango ang laway ko. Isang sampal muli ang ibinato nito. At isa pa. At isa pang isa pa. Hindi pa ro'n nagtapos dahil binigyan ko pa siya ng isa. After no'n, lumabas na ito tapos pumasok na 'yong dalawang lalaking naka maskara. Ramdam ko ang init ng magkabilang pisngi ko, pero wala lang 'yon sa'kin. Maliit na bagay lang ang sampal. Mas nakakamatay pa rin ang amoy nitong pesteng kulungan na 'to. 'Yong dalawang ulupong na may hawak na baseball bat ay nagsimula nang humataw. Gaya ng dati, hita at binti ko lang ang pinuntirya nila. Napasigaw ako sa sobrang sakit. Kung no'ng una, isa lang ang humataw sa'kin, habang 'yong isa nakatingin lang kasama ni Kamatayan, ngayon naman parehas na silang nagpapahirap sa'kin. "Tang*na, duwag ba kayo?" mapang-insulto kong tanong. Tumigil 'yong isang lalaki sa paghataw at kinuha sa bulsa niya ang panyo. Isinalpak niya ito sa aking bunganga para hindi ako mag-ingay. Nagtagumpay sila sa pagpapatahimik sa'kin, at halos hindi ko na rin maramdaman ang hita't binti ko sa sobrang dami ng palo nila. Sinilip ko ang lagay ng mga paa ko at ayon, pumutok na ang isa kong binti dahilan para malayang tumulo ang dugo papunta sa sahig. Pawisan dahil sa sobrang init, isabay mo pa ang napakabahong kulungan, at 'yong sakit na tinatamo ko ngayon. Hindi ko alam kung pa'no ako sisigaw na tinatanggap ko na ang offer ni Kamatayan para tumigil na sila. Hihintayin ko na lang sigurong mapagod ang dalawa, ano? Pero paano kung hindi sila tumigil? Baka hinihintay rin nilang tuluyan akong malumpo? Or baka hindi nila ako titigilan hangga't hindi ako namamatay? Wow, is this the f*ckng end? Unti-unti nang nanlalabo ang aking paningin. Pabigat nang pabigat ang paghinga ko. Hindi ko maramdaman ang dalawa kong paa. Hahayaan ko na lang sigurong makatulog ako. Baka kapag nagising ako tapos na sila-- 'Yon ay kung magigising pa ako. Patulog na sana ako pero hindi iyon nangyari. Halos takasan ako ng bait no'ng maramdaman ko ang pagdampi ng suka sa sugatan kong mga binti. Dumagundong sa apat na sulok ng kwarto ang sigaw ko. Naisuka ko talaga 'yong panyo dahil sa lakas ng aking palahaw. Napakasakit p*ta!!!! Umiiyak ako habang patuloy na humihingi ng tulong. 'Yong dalawang hudas, after na maisagawa ang plano ay iniwan na nila akong nagdurusa. 'Tang*na mo Kamatayan! Tang*na niyong lahat!' "Tinatanggap ko na ang offer, bwesit ka!!!!" sigaw ko. Ibinuhos ko lahat ng lakas ko para do'n. Hinihintay kong iluwa ng pinto si Finn, dahil ang sabi niya eh papakawalan niya ako once pumayag ako sa gusto ni Kamatayan. Pero walang Finn na dumating, walang Vince, o Kamatayan. Tang*na anong nangyayari? Hindi ba nila ako narinig? Kulang ba 'yong sigaw ko? Ilang beses ba ako dapat sumigaw? Hindi ko na nagawa pang sumigaw ulit. Wala na akong lakas para gumawa pa ng isa. Natatakot ako dahil baka masunog nang tuluyan ang mga binti ko, o baka putulin dahil sa natamo. Ang tanging alam ko lang ngayon ay nanginginig nang sobra ang mga binti ko, pero hindi ko sila maramdaman. Sa mga pagkakataong 'to, habang hinihintay na lamunin ng kawalan ang kamalayan ko, naalala ko ang paulit-ulit na sinasabi sa'kin ni Sophia. 'Kung gusto mong maka-survive ng buhay sa Saint Augustus, wag na wag mong kakalabanin si Kamatayan. Hangga't maaari, umiwas ka sa kan'ya, dahil sa oras na mare- realize mo 'tong sinasabi ko sa'yo, huli na ang lahat. Hindi ka na niya pakakawalan. Habang nasa Saint Augustus ka, magiging impyerno ang buhay mo," Ang mga katagang 'yon ang sumampal sa akin na wala akong laban kahit gaano man ako ka- demonyo kung si Kamatayan ang aking kaharap. Kahit kailan, kahit anong pagsusumikap ko, hindi ako mananalo sa isang Dwight Ellise Alexander Teoxon Hernandez. G*go! Sinong nagsabing hindi ko kaya ang hunghang na 'yon? Asa! Ako si Keisha Loreen Yu! Hangga't buhay ako, lalaban ako! Pero sa ngayon, tulog muna ako. Ayan na 'yong antok, sinusundo na ako. Tara na't maglakbay sa walang hanggan. Yakapin lang ang katawan, kahit walang kasiguraduhang magigising pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD