ZANDRA
"Siguraduhin mong hindi ka papalpak d'yan ah?" tanong ko kay Benz, kaklase ko na kanina pa atat na atat makuha 'yong bayad sa trabahong hindi niya pa nagagawa. Maaga kaming nag- meet up dito sa classroom para walang makakaalam sa plano namin para bukas sa acquaintance party.
Hindi naman siguro lingid sa kaalaman niyo na mahal na mahal ko si Keisha, right? At alam niyo na rin na may pinagsamahan kaming dalawa, kaya nararapat lang na bigyan siya ng munting surpessa, na hinding-hindi niya malilimutan.
"Oo naman ako pa ba? Wala ka bang tiwala sa kaya kong gawin? Sisisw lang ang 'sang 'yon. Basta alam mo na, kapag nagtagumpay ako dito, dadagdagan mo ang bayad mo sa'kin ah?" pahabol na request ni Benz. Inirapan ko muna ito bago sumagot. Tss, ang simple lang naman ng pinapagawa ko sa kan'ya, malaki naman 'yong napagkasunduan naming halaga, tapos ngayon may pahabol pa siya? Napaka-demanding! Parang hindi nakakahawak ng malaking pera, tsk.
"Oo, walang problema sa'kin 'yon! Ang alalahanin mo ay kung paano mo gagawin 'yang iniutos ko sa'yo, at masiguro na magiging success ang maganda kong plano. Naiintindihan mo ba?" desperadong tanong ko.
Tumango lang ito tapos inilagay na sa ka'yang bag ang cheque na nagkakahalaga ng 50,000 pesos. Wala naman akong pakialam kung ilan pa ang ibayad ko para lang masiguradong mawawala ng tuluyan sa landas ko ang salot na Keisha na 'yon.
"O siya, lumayas ka na sa harapan ko at magsisimula na ang klase," utos ko na sinunod naman niya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang ini-imagine kung anong mangyayari kay Keisha kapag natanggap niya na ang pasabog ko. Sana naman magustuhan niya ang munting surpresang inihanda ko para bukas dahil pinag-isipan at pinaghandaan ko 'yon nang sobra.
Tumunog na ang bell, at maya-maya lang ay nagsipasukan na ang mga kaklase namin kaya naputol agad 'yong pagpapantasya ko. Hihintayin ko na lang ang magandang balita bukas, hahahaha!
'Tignan lang natin Keisha kung may mukha ka pang maihaharap kay Kamatayan after ng party,' I whispered at the back of my mind.
Umayos ako ng upo, nang pumasok na ang teacher namin. Pero bago pa man makapagsimulang magturo ang guro namin, nakasagap ako ng balita mula sa dalawa kong kaklase na nasa likod.
"Yeah, I don't know kung anong gagawin sa kan'ya. Sana nga, mapunta siya sa punishment room 1 at putulin dapat ang kan'yang dila. Talagang may gana siya na makipagsigawan kay Finn, 'di ba? Hello! 'Yong kinakalaban lang naman niya ay ang key keeper ng punishment rooms, lahat takot do'n tapos siya na kay bago-bago lang eh, babastusin ang isa sa pinaka-respetadong tao dito? Ang kapal 'no?" gigil na bulong no'ng babae. Hindi ko matandaan ang pangalan nito pero 'yong katabi niya is si Marievick, one of my friends.
Buti na lang at masyadong malaki ang tenga ko at nasagap ko ang pinag-uusapan nila nang malinaw. Though, may hunch ako kung sino ang tinutukoy nila, dahil isa lang naman ang lapastangan na nilalang dito sa SAA eh, walang iba kun'di ang salot na tinutukoy ko kanina.
"Uhm excuse me, sinong pinag-uusapan niyo?" mahinahon kong tanong do'n sa dalawa. Medyo nahiya 'yong isang babae samantalang si Marievick pasimpleng umirap. Oh well! Baka hindi niyo alam, nagmana sa'kin ang biatch na 'to sa pagiging attitude. Umirap ito because alam niyang kilala ko kung sino ang tinutukoy nila. I just wanted to confirm it, you know.
Nagdadalawang-isip pa sila kung sasagutin ba nila 'yong tanong ko dahil siguro, nakita nila o nalaman nila na kasama ko minsan si Keisha. But, since I am the Class President here, they should tell me the truth, or else, I'm gonna destroy their image.
"Si Keisha 'yong pinag-uusapan namin. Uhmm, hindi ba nakakasama mo 'yon?" sagot ni Marievick na kaunti na lang eh pwet niya lang 'yong makakarinig dahil sa hina ng boses nito.
"Yah, pero minsan lang 'yon. Alam niyo naman, she's my ex-friend, nagmamalasakit lang ako sa kan'ya para maging familiar siya dito sa SAA. Don't worry, hindi naman madulas ang dila ko, kaya you can tell me more. Anong mayroon kay K---" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko, dahil nagsimulang magsidungawan ang mga kaklase ko sa bintana.
"Students anong ginagawa niyo? Bumalik kayo sa inyong upuan!" bulyaw no'ng Teacher namin. Hindi siya pinakinggan ng mga kaklase ko dahil pati siya eh nakikiusyoso na rin sa kung ano ang nangyayari. Ako naman, syempre nakisabay na rin sa kanila. Literal na nalaglag ang panga ko nang makita kung sino ang pinagkakaguluhan ng lahat. Dali-dali akong tumayo at nakalimutang magpaalam sa Teacher namin kailangan kong lumabas. F4ck, manners! Wala rin namang ugali ang Teacher namin.
Ohhh shemsss! Keisha the biatch, again!
"What the f*ck is she up to?" bulong ko na may halong pagkainis. Tsk, ang aga-aga nag-eeskandalo na naman ang bida-bida. Hilig talaga niyang agawin ang atensyon ng lahat huh?
Well, just you wait, B*tch--
Just you f*ckng wait! 'Coz I'm going to give you the spotlight that you f*ckng deserve!
KEISHA
Alas-otso ng umaga, maganda ang gising ko, masarap ang breakfast ko, at tahimik akong naglalakad papunta sa classroom. Malapit na sana akong makarating, at ang akala ko, 'yong good vibes na nararamdaman ko ay magtatagal hanggang uwian. Ang kaso! P*tang*na! Itong alipores ni Kamatayan, akala mo ay isang kabute na bigla-bigla na lang susulpot, at ang malala pa, hinarang ako mga mare! At ito ang pinaka-malala, dahil pinosasan niya pa ang mga kamay ko, sa harap mismo ng madla. Can you imagine the kahihiyan na bumabalot sa katawan ko ngayon? Like, I'm innocent tapos walang pasa-pasabi bigla na lang akong huhulihin.
Wow! What a show, B*tch! Like, c'mon, ano 'to? Bakit may paganitong patalastas?
Ako namang si sabog, nagsimula ng mag-eskandalo, dahil hello? Ikaw ba naman natulog at nagising ka na alam mo sa sarili mo na malinis ang konsensya mo, na wala kang inagrabyado o ano mang ginawang masama, tapos bubungadan ka ng ganitong pakulo?
Aba, Aba! Hindi pwede sa'kin 'to!
"Hoy! Pwede ba, paki-explain ng malupit ah, 'yong maiintindihan ko kung bakit kailangan mo 'tong gawin sa akin?! Ang aga-aga, ginag*go mo ako! Ayusin mo lang talaga ang pagsagot, dahil kahit lalaki ka, kahit kampon ka pa ni Kamatayan, bayag mo lang ang walang latay!" nangagagalaiting tanong ko.
Peste kasi!! Hindi pa nga nagsisimula ang araw ko, pigtas na naman ang lubid ng aking pasensya!
"I know you're aware of this Ms. Yu. This is a punishment dahil hindi ka pumayag na tanggapin ang offer ni Kamatayan," tugon niya, and after niya pang sabihin 'yon ay humikab pa si g*go.
Tang*na naman talaga! 'Yong pasensya ko, 'di ba sabi ko, naputol na? Aba'y naputol ulit! Basta! Magulo man pero mega-mega putol, as in naghiwalay talaga nang tuluyan.
Araw-araw na lang ba akong babadtripin ng hunghang na Kamatayan na 'yon? 'Di ba pwedeng magpahinga naman? Hindi ba siya napapagod, hanep siya!
Nanggigigil ako! Lord, pwedeng pakibura na ng bwesit na 'yon sa mundo? Please lang? Kasi, siya ata magiging sanhi ng pagkamatay ko, promise!