CHAPTER 9.5

1132 Words
Kung Hernandez ang apelyido ni Kamatayan, malamang sa malamang, siya ang susunod na head ng H&S, kaya gano'n na lamang ang ginagawa sa kan'ya. Pero kahit na! Hanep! Kung nakita niyo lang talaga, at kung may kakayahan lang talaga akong isiwalat nang malupitan 'yong dinanas ni Kamatayn, tatakasan din kayo ng kaluluwa. Promise, peksman, mamatay na ang katabi mo. Charot lang labyu! Naputol ang pagmumuni-muni ko dahil may isang ligaw na mensahe akong natanggap. From: 0997711**** Pag-isipan mo ang offer ko sa'yo, Miss Yu. And by the way, enjoy your new room. Pakshet naman talaga ano?! Talagang gusto akong patayin ni Kamatayan sa inis! Pa'no niya nalaman ang number ko? Sinong nagbigay ng number ko? Shuta paniguradong si Vince!!!!! Tang*na mo, Vince Laurence De castro!!! FINN "Kanino ang mga maletang 'yon Kamatayan?" tanong ko. Inuutusan kasi kami nitong ibaba ang mga maleta na nasa sasakyan daw niya. "Kay Keisha ang mga 'yon, ihahatid ko mamaya pag tulog na siya," tugon nito habang busy sa pagsipat sa kan'yang cellphone. Pagkarinig no'n, kaagad na umalma ang butsi ni Vixel. "G*go ka, Dwight! Baka gusto mo ng kotong d'yan? Nakakalimutan mo atang kaibigan ko si Keisha!" sabat ni Vixel na akmang lalapitan si Kamatayan. Agad ko itong pinigilan tapos sinapok siya sa ulo. "Tsk, anong akala mo sa'kin? Pervert katulad mo? Gungong," defensive na sagot ni Kamatayan. Nagpatuloy sa pagbabangayan 'yong dalawa. Imbes na makisali, pinagmasdan ko na lang sila, dahil hindi ko kayang ibaba ang level of maturity ko. Hindi ako nakikisawsaw sa away bata. "Bagong target mo ba 'yong babaeng 'yon, Kamatayan?" tanong ko para maiba ang usapan. Natahimik silang dalawa tapos tinitigan ni Vixel si Kamatayan na tila handang gumawa ng hakbang kapag hindi niya nagustuhan ang isasagot nito. "Siguro," matipid na sagot ni Kamatayan sabay ngisi. "Namo talaga, Kamatayan!" gigil na sabi ni Vixel. Hinila ko ulit ito palayo kay Dwight dahil mahirap na. Mahirap na kapag nasira ang mood ni Kamatayan. Nagpaalam na kami na pupunta na kami at kukunin na ang maleta para rin matigil na si Vixel sa kakaputak. "May gusto ka ba kay Keisha, Vixel?," tanong ko habang binabagtas naming dalawa ang daan patungo sa parking lot. "Wala. Hoy, utak mo Finn ah! Masyadong madumi. Parang kapatid na ang turing ko kay Keisha," ani ya. "Pero pa'no kapag target nga siya ni Kamatayan? Papayag ka ba? Susuportahan mo ba?" tanong kong muli. "Hmmm oo, kung talagang seryoso siya. Kilala natin kung paano magmahal si Kamatayan. Tanda mo naman ata 'di ba? Iyak-iyak pa 'yon dati no'ng inaasar natin siya tungkol sa first love niya," ani to na natatawa. Napangisi na lang din ako nang biglang pumasok sa isip ko 'yong ala-alang 'yon. Kung hindi niyo pa alam, si Kamatayan ay may tago-tago at iniingatang litrato ng isang batang babae sa wallet niya ay mali ang alam ko inilagay na niya sa picture frame 'yon at naka-secure sa office niya. First love niya 'yon, hindi ko kasi siya kaklase no'ng nasa elementary pa lang kami, pero sa'ming dalawa ni Vixel, ako ang pinaka matagal nang nakasama ni Kamatayan. Sa tuwing naiinis kami sa kan'ya dati, 'yon ang pang-asar namin sa kan'ya. Kesyo iniwan siya no'ng bata, at hindi na binalikan. "Satingin mo ba, magkakagusto talaga si Kamatayan kay Keisha? Alam mong stick to one 'yong g*gong 'yon. Hindi maka move-on sa childhood first love niya," ani Vixel. Nagkibit-balikat ako dahil as far as I know, maliban do'n sa babaeng kababata niya, wala nang iba pang babae ang nakaagaw ng kan'yang atensyon. Mukhang si Keisha na nga ang susunod. "Malay natin? Mukha namang interesado talaga si Kamatayan kay Keisha, kahit ikaw hindi mo matatanggi 'yon. Tumawag nga si Tito sa'kin kanina, dinala raw ni Kamatayan si Keisha sa H&S hahahaha! Buti na lang hindi nakita sila nakita no'ng Tatay ni Kamatayan," kwento ko. "Luh g*go talaga! Hahahahaha ano kayang reaksyon no'n ni gurang kapag nalaman niyang may isinama ang anak niya sa H&S? Paniguradong tepok si Kamatayan, at malala pa, baka ipa- hunting si Keisha. Langya talagang bugok mong boss hindi nag-iisip minsan," asik ni Vixel. "Tang*na mo Vixel, ayusin mo ang tabas ng dila mo. Kanina ka pa namumuro sa akin. Baka nakakalimutan mong ako ang may hawak ng susi ng punishment room at kayang-kaya kitang itapon do'n nang hindi pinapaalam kay Kamatayan," pananakot ko. Kahit kaibigan namin si Kamatayan, wala kaming karapatan para pagsalitaan siya ng masama. Dahil bukod sa napakadelikado niyang nilalang, delikado rin ang pamilya nito. "Ito naman, parang 'di mabiro. Ngayon ko na nga lang nata-trash talk si Kamatayan eh, hahahaha!" tatawa-tawang ani 'ya. Hindi na lang ako kumibo dahil pagod na akong ngumawa. Ginawa na namin ang trabaho namin dahil gusto ko na ring humilata sa bago naming kama. "Tama na ang daldal, at tulungan mo na ako dito," ani ko tapos ibinigay 'yong malaking maleta sa kan'ya. "Pero alam mo Finn, seryoso 'to. Kung magkagusto man si Kamatayan kay Keisha, tapos eh sa kasamaang palad, magkasalungat ang damdamin nila sa isa't-isa, magkamatayan man, po-protektahan ko si Keisha, kahit si gurang man o si Kamatayan ang makatapat ko, at kahit sumama ka pa," ani to. Hindi ako kumibo pero isang malakas na sapok ang ibinigay ko sa kan'ya. Wala kasi akong maisip na pwedeng sabihin kaya ipinagkatiwala ko na lang sa palad ko ang sagot. "Aray! Nagsasabi lang naman ako ng totoo!" bulalas nito. "Mama mo totoo," pang-iinsulto ko. Hinayaan ko siyang maunang maglakad sa'kin kahit mas mabigat 'yong bitbit niya. Bigla kasing sumagi sa isipan ko 'yung scenario na sinabi niya kanina kaya naapektuhan ang paglalakad ko. "Kung dumating man sa puntong gano'n, katapusan na natin," bulong ko. "Ha? May sinasabi ka?" tanong ni Vixel. Umiling lang ako tapos sumenyas na wala lang 'yon. "Weh? Loko-loko ka, narinig ko minumura mo ako eh! Tang*na mo Finn!" ani to. Natawa ako sa kan'yang sinagot dahil mema siya. Hanep napaka layo. "Parang g*go kasi! Lakasan mo kasi boses mo! Pwet mo lang nakakarinig! Ano ka babae?" ani ya. "Tama ka, alam mo kung ano ang sinabi ko? F*ck you," pang-iinsulto ko. Sumabay na lang ako sa trip niya para malimutan kong may bitbit ako 'saka mas para patayin na rin ang oras. "F*ck you too, times two, times two, times two," mura nito pabalik. "Mama mo times two!", "Tang*na mo Finn! Walang damayan ng magulang!!" "Tang*na mo rin!" "Mama mo balot!" "Mama mo, pink!" Nagpatuloy kami sa pang-aasar sa isa't-isa hangga't sa makarating kami sa office ni Kamatayan. Sa pagkakataong iyon, kahit na bumabagabag sa akin ang biglaang pagkahumaling ni Kamatayan kay Keisha, isinantabi ko muna iyon dahil ayaw kong paglaanan ng panahon at interes ang mga bagay na kahit anong gawin ko, wala iyong magiging impact. Dahil--- 'Si Kamatayan, parang gutom na Venus flytrap. Once you entertain him, hindi ka na niya pakakawalan.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD