CHAPTER 9: VENUS FLYTRAP

1719 Words
KEISHA Ano nang gagawin ko ngayon? Si Kamatayan ba talaga 'yon? Anong ginagawa nila sa kan'ya? Teka, ba't ako nanginginig? Ba't ba nag-aalala ako sa kalagayan niya? He's my enemy kaya dapat matuwa ako sa nakita ko. Bwesit na puso 'to! Tumigil ka sa kakalabog, tang*na! Kinakabahan ako lalo. Pa'no pag nahuli nila ako? I don't wanna die! Mamamiya, help me! Eh? Move... Tang*nang mga paa 'to! Gumalaw kayo! "Keisha? Nandito na tayo, pwede bang bumaba ka na sa sasakyan ko?" ani Kamatayan. "Uhm so-sorry," matipid kong sagot pero hindi pa rin ako gumagalaw. Masyadong nilumpo ng nasaksihan ko ang aking katawan kaya kahit ang simpleng pagtingin sa kan'ya ay isang mahirap na gawain para sa'kin. "Anong nangyari sa'yo? Bigla ka atang natameme d'yan? May nangyari ba sa'yo no'ng wala ako?" takang tanong niya. Akmang hahawakan ni Kamatayan ang mukha ko kaso mabilis akong umilag. Kita ko ang pagkagulat nito kaya kaagad kong iniwas ang aking mga mata. Sh*t, hindi ko sinasadya-- Tang*na, bakit? Bakit ba ako umiwas? Eh anong paki niya kung umiwas ako? Bakit ba kasi siya lumalapit ng bigla-bigla! Tinalo ko pa ang taong sampung beses kong magkape sa pagiging magugulatin. "Bwesit ka kasi! Lu-lumayo ka nga! Tsk, bababa na ako, eto na," nangangatal na bulalas ko tapos lumabas na sa sasakyan niya. Hinintay ko rin itong lumabas tapos sumunod sa mga yapak niya. "Oh ito ang susi sa room mo. Ihahatid ko na lang mamaya 'yong mga maleta, may tatapusi—" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita dahil sumabat na agad ako. "Wag na. Kaya ko namang bitbitin 'yong mga gamit ko, kaya wag ka nang mag-abala pa d'yan. Tsaka bakit pa? Minamaliit mo ba ang kakayanan ko ah? Dalawang maleta lang 'yan, tsk anong akala mo sa'kin?" pamumutol ko. This time nabawi ko naman na ang pangangatal ng aking boses kaya maayos ko na siyang nasagot. Amen naman tayo d'yan mga mare! "Bakit anong akala mo? Ako maghahatid no'n sa'yo? Kapal mo," bwelta niya. Dahil do'n sa pananaray niya kaya tila sinampal ako ng katotohanan at nanumbalik ang aking wisyo. Taray ah! Marunong na siyang gumanyan! Pero, good na rin dahil kung hindi dahil sa kademonyohan niya eh malamang sa malamang lutang pa rin ako. Bago ako sumagot nag-make face muna ako kasi hindi pa rin ako makapaniwala eh. "Hah! For your information! Ang sabi mo kanina, ikaw ang maghahatid! Hindi ako bingi kaya wag mo kong ginag*go!" maligalig kong tugon. "Whatever. Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin, maiwan na kita," ani ya tapos naglakad na palayo. Sows! Ang sabihin niya talo siya kaya hindi na muling bumanat! Gagawin niya pa akong sinungaling eh ang linaw-linaw ng pagkakarinig ko, ang sabi niya siya ang magbibitbit, hmfp! Habang pinagmamasdan ang kan'yang anyo na unti-unting naglalaho sa paningin ko, naalala ko na hindi ko pa pala nakukuha 'yong mga maleta. Sabi ko pa naman na kaya ko namang bitbitin ang mga 'yon. "Hoy! Hunghang bumalik ka dito! 'Yong mga maleta ko!" sigaw ko. Liningon niya ako hindi para bumalik o itapon na lang sana ang susi, kun'di lumingon siya para bumelat. Ay! Pak! Magkahalong inis na ewan ang naramdaman ko nang gawin niya 'yon. Iba ah! Hindi ko inaasahan na makikita ko ang ganitong side ng demonyo. 'Bwesit ka! Kung hindi ka lang talaga gwapo...' bulong ko na ikinagulat ko nang husto. Pwe! The heck, Keisha! Anong pinagsasasabi mo!!! Delete mo 'yon, Otor please? Nadala lang ako ng pagdila ni Kamatayan kaya nasabi ko 'yon, pero promise labas sa ilong 'yon, swear! A/N: Ambot! Na-type ko na, wag kang ano d'yan. Wala na akong ibang nagawa kun'di ang maglakad na lang din palayo. Habang binabagtas ang daan patungo sa girl's dormitory, nakita ko si Zandra na nakaupo sa may bench sa gilid ng gate. Nakatulala ito na hindi maipinta ang mukha. 'Anong nangyari sa bruhang 'to?' Tuluyan na atang nabuang,' "Oi, bruha wazzup?" tawag ko. Kaagad itong tumayo at lumapit sa akin nang marinig ang aking magandang tinig. "Anong nagyari? May ginawa ba si Kamatayan sa'yo? Sinaktan ka ba niya? Anong pinag- usapan niyo?" sunod-sunod nitong tanong. Ay pwede sandali naman? Kalma muna ang puso dahil hehehe pagod ako hanep naman! Tinanggal ko ang mga kamay nitong nakayakap sa aking balikat. Masyado kasing mabigat eh, kita nang pagod ako tapos ganito pa ang ibubungad niya. Pero shuta! Ang weird ata ngayon nitong bobita na 'to, may tama na talaga siguro siya. "Pwede kalma? Wala namang ginawang ka-demonyohan si Kamatayan, at nagpapasalamat ako doon. At saka, wala naman kaming napag-usapang matino, maliban sa gusto niya akong maging Secretarya," ani ko. Pagkarinig no'n, nanlaki ang mga mata ni Zandra. "What's with the reaction? Ganyan ka ba ka-disapprove na maging Secretary niya ako?" sarkastiko kong tanong. "Yeah. I mean, uhm—wala pang kinuha si Kamatayan para sa posisyon na 'yan kaya nagulat ako. Malay natin may balak siya kaya ka niya inalok sa posisyon na 'yon, 'di ba? Hindi ka naman papayag sa alok ni Kamatayan dahil hindi kayo magkasundong dalawa? Ayaw mo sa kan'ya 'di ba?" hindi mapakaling tanong nito. Konti na lang talaga at masasapak ko na 'tong babaeng 'to nang magising. Masyadong hyper eh! "Alam mo Zandra, kung nag-aalala ka sa'kin, no need okay? Kayang-kaya ko ang sarili ko. Hindi ko pa alam kung tatanggapin ko ang offer no'ng buang na 'yon. At ano naman sa'yo kung tanggapin ko nga o hindi? Mamamatay ka ba? At saka kilala mo naman 'yong hunghang na 'yon 'di ba? Hindi pwede sa kan'ya ang hindi, once na hindi ko tinanggap ang alok niya, tepok pa rin ako. Pero depende, basta bahala na bukas," sagot ko tapos akmang aalis na nang biglang hawakan nito ang aking braso. Woah, woah, woah! Tapang ka gurl? May gana ka nang pigilan ako? "Zandra, I'm tired. Wag mo 'kong bwesitin dahil hindi kita sasantuhin," pananakot ko. "P-pagod? Bakit? Anong gi-ginawa niyo?" utal-utal nitong tanong. The moment I heard those words, I snapped out. Like wala ng kaibi-kaibigan, dahil shuta naputol na ang lubid ng pasensya sa katawan ko. Isang malutong na sampal ang dumampi sa kan'yang pisngi dahilan para himasin niya ito nang todo. "I warned yah B*tch. Kung ano mang tanong ang nasa isip mo ngayon, mamatay ka kakaisip ng sagot," maldita kong tugon, tapos dumiretso na sa loob. Guilt? Nahhhh, wala na ako no'n, I mean hindi para sa kan'ya. Besides, binalaan ko na siya pero hindi siya nakinig so ayan, binigay ko lang naman 'yong hinahanap niya. Magpasalamat pa nga siya dahil sa sampal ko, bumalik siya sa katinuan. Pero maiba tayo, baka isipin niyo puro kayabangan at karahasan na lang ang alam ko. In fairness naman sa dormitory na 'to, napaka-sosyal ahhh! Well, dapat lang naman dahil kalahating milyon ang bayad sa isang sem dito! Sulit naman dahil magara talaga ang loob ng Saint Augustus, 'di mo talaga aakalain na tapunan 'to ng mga patapong tao, char! Kidding aside, hindi mo aakalain na lungga 'to ng mga demonyo. Biruin mo, mayroon lang namang sampung palapag ang girl's dormitory, at 'yong para sa lalaki na katampad lang ay may walong palapag. Ang nakaukit sa susi ay 'yong floor number tapos sa baba ay 'yong room number, so ayon nasa pang ikalimang floor ang room ko. Takte, buti naman at hindi sa ikasampu dahil ang alam ko, alphabetical order daw. "Number 367—368, and bingo! 369," masaya kong bulalas nang matagpuan ko na rin sa wakas ang aking room. Kaagad kong binuksan ito dahil duh?! Kanina pa ako excited, and bijj! Halos lumuwa ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang magara nitong loob. "Shems! Ang gandaaaaa!" bulalas ko, tila isa akong bata na nagtatatakbo sa loob ng bagong bahay. Guys para lang malamang niyo, 'yong estilo ng loob eh parang sa isang 5 star hotel, talagang mamahalin! Biruin mo, mag-isa lang ako sa room pero parang panglimang katao 'yong kasya sa kama. Isama mo pa ang chandelier, aba naman! Ibang level naman talaga ang SAA! Kumpleto rin lahat ang mga gamit sa kusina at eto pa ang matindi, may laman na rin ang ref! Sa'n ka pa! Pero 'yong tuwa na naramdaman ko ay hindi nagtagal noong biglang may unknown number na tumawag. Hindi ko sana sasagutin dahil busy ako sa kakatitig sa maganda kong kwarto, ang kaso, baka kasi importante kaya ayon pinatulan ko na sa huli. "Hello?" tanong ko. "Open your window," mabilis nitong tugon. Ni hindi man lang bumati pabalik o nagpakilala man lang. Hindi ko malaman kung sino 'tong kausap ko pero parang familiar ang boses niya na ewan. Sinunod ko naman ang kaniyang nais at dali-daling binuksan ang bintana. "P*tang*na..." 'yun lang talaga ang nasabi ko mga mare. "Hindi mo talaga ako tatantanan ah! Pati ba naman dito Kamatayan!" dugtong ko tapos inend na 'yung tawag. Ngumisi lang ito na labis na nagpakulo ng dugo ko. "Are you not happy na magkatapat lang ang room natin?" mapang-insultong tanong niya. Hanep, nakakahiya!!! What if may makarinig sa pinagsasasabi ng demonyo 'to? Shuta siya! "G*go! Mangarap ka! Kahit kailan, hindi ako magiging masaya na makita 'yang pagmumukha mo!" sigaw ko, tapos padabog na sinarang muli ang bintana. Bwesit! Akala ko pa naman tuloy-tuloy na ang good mood! 'Yong paepal na Kamatayan na 'yon talaga gagawa at gagawa ng paraan para madurog ang araw ko, take note walang mintis! Hayssss, pero maiba naman at baka malagutan na ako ng hininga sa sobrang inis. Malaking palaisipan pa rin sa akin 'yong nakita ko sa loob ng H&S. Sa totoo lang, sa sobrang gulat, halos himatayin na ako nang makita si Kamatayan na nag aagaw-buhay habang pinag e- eksperimentuhan no'ng matandang hukluban. Buti na lang talaga at walang nakakita sa akin dahil hindi ko talaga alam kung saan ako pupulutin, gayong alam ko kung gaano kadelikado ang mga tao sa H&S. Hindi pa man ako nakakapasok sa SAA mga mare, para lang malaman niyo ano, dati-rati na akong pumupunta sa BM, at malapit lang talaga 'yon sa H&S. Palaging kinukwento sa'kin ni lolo boss na mga walang kaluluwa ang mga nagta-trabaho kay President Hernandez. Trabaho kung trabaho, patay kung patay daw talaga. Malay ko naman na itong si Kamatayan eh isa pa lang Hernandez at--- ay tang*na! Oo nga pala, shuta! Isa nga pala siyang Hernandez, bakit ko naman nakalimutan iyon?! 'Shunga mo, Keisha!!!!!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD